twenty

16.9K 541 35
                                    

"OH MY GOD!"

Natulala nalang ako habang nakatitig sa kanya. Hindi ito ang inaasahan kong dadatnan ko.

I thought my husband was shot at nag-aagaw buhay. Not that I want him that way.

Pero ano ito?

Andres, is standing proudly while waiting for me.

At ang ICU ROOM. Its not full of hospital stuff na kala mo mamamatay ang nasa loob kung magkakamali ka ng hawak sa taong nasa loob.

The room is filled with heart shape balloons, rose petals, scented candles at ang kisame nito puno din ng balloons na may nakapalawit na mga paper foldings.

"Mahal kong Reyna, tutunganga ka nalang dyan? Di ka papasok"

Nafocus sa kanya ang paningin ko. Nakapolice uniform siya. Kompleto mula ulo hanggang paa. Pero naka-arm support ang kanang kamay niya. 

Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang nakauniform. Halos araw-araw naman nakauniform siya kung pumasok.

Pero ewan ko, parang ang macho, ang gwapo at higit sa lahat ang yummy niyang tignan ngayon.

Gusto kong mainis at sermunan siya pinag-alala niya ako ng sobra.

Pero naisip ko, di din kasi ako nagtanong ng maayos. Ni hindi ko nga pinilit ang nanay ko kaninang sagutin ako. O tanungin si Blaze kung ba talaga nangyayari.

Tapos hindi ko man lang nakita o napansin na ako nalang pala ang pumasok sa loob ng ospital.

Tapos ung mga bilin ng nanay at kuya ko. Si Akira baKit mukhang magdamag na umiyak. Ayan tuloy kung ano ano inisip ko. Tapos makikita ko ang asawa ko na mukha namang walang nangyaring masama sa kanya.

Napailing nalang si Andres. Ibinaba niya ang bouquet of flowers na hawak niya na ngayon ko lang nakitang hawak niya.

Naglakad ito palapit sakin pero mabagal lang. At habang naglalakad siya isa isa niyang inaalis ang suot niya. Mula sa cap niya sa suot, Sa mga nakakabit sa suot niyabg uniform. Pati na din ang arm supporter niya inalis na din niya.

"Nagtataka ka siguro bakit nakacomplete uniform ako tapos aalisin ko lang din naman."sabi niya habang inaalis ang suot niya.

Nakawhite tshirt nalang siya at pants.

"Hindi na kasi ako pulis, isa nalang akong simpleng mamamayan ngayon na nagmamahal sa asawa niyang umiiyak na naman sa harapan niya"patuloy nito.

"Alam ko kung gaano ka nag-alala, nawalan ka ng malay dahil sa napanood mo. Lokong reporter kasi 'yon sabi ko sabihin lang na nabaril ako at nasa ospital. Pero ang sinabi parang 50/50 ako"sabi niya habang naglalakad pa din palapit sakin.

Ang liit lang naman ng kwarto pero ewan bakit ang tagal niyang makalapit saki n.

"Sorry dahil doon"sabi niya ng tuluyan na siyang nakalapit sakin.

Ung kanina ko pang iyak lumala na naman ng lumuhod siya sa harapan ko.

"Blaire, mahal kong reyna. Magsimula tayo ulit, this time ako naman ang mag-aalaga sayo. Ako naman ang iintindi sayo. Ako naman ang sa bahay ikaw naman ang magtrabaho---"

"Ano kamo?!"nanlalaki ang mata ko habang sinasabi ko iyon.

"Ano ka ba naman, siyempre joke ko lang iyon"bawi naman niya.

Nakaluhod pa din siya nakatingala at hawak niya ang dalawang kamay ko.

"Noon bago tayo ikasal wala man lang akong effort para ayain kang magpakasal. Sabi ko noon hindi na kailangan iyon. At sa tuwing naiisip ko ang singsing na binigay ko sayo natatawa ako. Na naiinis sa sarili ko. Ang lakas kong tawagin ka noon na mahal kong prinsesa. Pero singsing lang di pa ako nakabili. Sa kasal din natin ikaw din ang bumili. Ano na bang naibigay ko sayo bukod kay Akira. Sama lang yata ng loob."patuloy nito.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon