"TUMAYO KA na dyan"naiinis ko ng utos sa babaeng ito.
Kanina ko pa siya inuutusan na tumayo na at ng makaalia na kami.
Kung kailan naman kasi nagmamadali doon pa tinamaan ng topak ang isang ito.
"Blaire!"sigaw ko.
Pero gaya kanina walang reaksiyon ang dalaga. Nakadapa lang ito sa kama at hindi gumagalaw. Alam ko naman na okay lang siya halata naman hindi lang talaga niya ako pinapansin.
"Kapag hindi ka pa tumayo dyan bahala ka sa buhay mo. May mga tao sa labas ng bahay namin. Alam ko nandito sila para sayo. At kapag hindi ka pa tumayo dyan aayain ko ang mga magulang ko palabas ng bahay na ito at maii---"
"You will leave me here alone! Paano kung patayin ako ng mga iyon? I thought your my bodyguard"anito.
Napasimangot naman ako. Kailangan ko pa palang takutin bago siya tumayo.
Hindi ko na siya sinagot pa. Basta ko nalang aiyang hinila. Kanina pa nakalagay sa sasakyan ko ang mga gamit naming dalawa.
Siya nalang talaga ang hinihintay ko para makaalis na kami.
"Anak, mas mainam kung ipagpabukas niyo nalang ang alis. Gabi na din kasi"pigil samin ng aking nanay.
Nasa sala ngayon ang mga magulang ko. Mukhang hinihintay kami ji Blaire na lumabas ng kwarto.
Bumuntong hininga naman ako.
"Kailangan na kasi akong magreport bukas ng umaga nay. Kaya kailangan na naming umalia ngayon"pagsisinungaling ko.
Wala nang nagawa ang mga magulang ko kundi ang payagan kaming umalis.
Ihahatid pa sana kami ng mga magulang ko sa sasakyan ng pigilan ko sila. Matalas pa din naman ang pakiramdam ng mga magulang ko kaya alam kong mapapansin nila ang mga nakapalibot saming mga tao.
"Where are we going?"tanong sakin ni Blaire ng makalayo na kami.
Tumingin muna ako sa rear mirror kung may nakaaunod samin.
At meron nang nakasunod samin.
"Hindi ko din alam"pag-amin ko naman.
"What!"
Naiiritang nilingon ko si Blaire na kakasigaw lang.
"Pwede ba hinaan mo ang boses mo. Magkatabi lang tayo"sermon ko naman sa kanya.
Nanggagalaiti naman itong humarap sakin.
"Hoy! Antipatikong frog. You dont have the rights to shout at me! Body guard lang kita"sigaw nito sakin.
Nagpipigil naman ako ng inis at galit.
Iniisip ko nalang trabaho lang ito na kailangan kong matapos.
"May karapatan akong sigawan ka. Hangga't ako ang kasama mo at nasa pangangalaga kita may karapatan ako"ganting sigaw ko.
"No! Ako pa din ang may karapatan dito. I told you, your just my bodyguard"sigaw na naman niyo.
Sasagot pa sana ako sa sigaw niya sakin ng may magpaputok samin ng baril. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ko bago ko nakabig ang manebela.
Tinamaan ang gulong namin sa likod.
Pagewang gewang ang sasakyan namin.
"Kunin mo ang cellphone ko sa bulsa. Tawagan mo ang hepe namin. Kailangan ko ng back up"utos ko kay Blaire.
Akala ko magrereklamo ito pero agad itong tumalima sa utos ko.
Habang dinudukot nito ang cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko, muli may nagpaputok samin. Basag ang salamin ko sa likod.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIRE
RastgeleFIFTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Andres and Blaire Story Cover by: PANANABELS