KULANG NALANG murahin ko lahat ng pwede kong murahin sa araw na ito.
Bakit sa dinami dami pa ng araw na pwedeng abutin ako ng kamalasan ngayon pa nangyari. Kung kailan birthday ng anak ko at inaasahan ako ng mag-ina kong darating ako.
Five o'clock na natapos ang emergency meeting namin. Sinabihan ko naman na lahat ng tauhan ko maging ang mga nakatataas na halfday lang ako ngayong araw dahil birthday nga ng anak ko.
May biglaang nangyari kasi na tungkol sa trabaho kasong hawak namin kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang nakatataas.
Sa pag-uwi ko naman naipit na ako s atraffic. Rush hour, friday uwian, pay day at maraming sale sa mall. Dagdag pang Christmas season. Galing gigil na gigil ako habang busina ako ng busina.
Nang nakausad naman ako at malapit na sa bahay namin siya naman pinakamalas, nabutasan pa ako ng gulo. Worst pa, sa lugar kung saan walang masyadong dumadaan na sasakyan.
Ending tinakbo ko ang bahay namin sa kagustuhan ko lang makaabot sa party ng anak ko. Alam ko tapos na, anong oras na din naman. Pero gusto ko pa ding batiin ang anak ko.
Maaga akong umalis kaninang umaga. Tulog pa ang anak ko kaya kahit na anong mangyari kailangan kong abutan na gising siya.
Pero lahat ng effort ko sa pagtakbo nabalewala lang. Dahil pagdating ko tapos na ang party. Nagliligpit na aila Blaire ng mga ginamit sa party ng anak namin. At higit sa lahat tulog na ang anak ko.
Ramdam ko din na malaki na ang tampo sakin ni Blaire. Alam ko naman iyon, ang dami ko ng pagkukulang sa kanya, sa kanila ng anak namin.
"Andy, can we talk"si Blaze.
Nakapasok na sa loob ng bahay ang asawa ko.
Hindi nalang ako nagsalita at sinundan siya sa labas ng bakuran namin. Huminto siya sa tapat ng sasakyan niya.
"Hindi kita pangangaralan, matanda ka na. Mas matanda ka pa nga sakin. Pero sana naman bigyan mo naman ng atensyon ang mag-ina mo. Akira is growing up too fast. At napakarami mo ng namiss na event sa buhay niya. Si Blaire, brat siya but I think b'coz of you ahe become matured. Hindi na siya nagsasabi ng problema niya samin. Pero as her brother alam ko what she feels toward her marriage to you. Sana ayusin mo naman Andres. Ayokong nakikitang nasasaktan ang kapatid ko"walang ligoy ligoy na sermon niya.
Napahinga naman ako ng malalim.
"Alam ko, kaya nga nagtatrabaho ako para sa kanila"
Tumawa naman ng pagak ang kaharap ko.
"You think that's enough? Di ko na kailangan na paliguan ng pera ang kapatid ko. She grow up plenty of it. Ang kailangan niya atensyon at pagmamahal mo. Hindi ka naman hiningan ng pera ng kapatid ko. Ni hindi ko na nga nakikitang nagluluho ang kapatid ko simula ng magsama kayo. She come out from her comfort zone for you. Sana ikaw din naman Andres"inis na sagot niya.
Tinitigan ko siya, tama naman siya.
"Tama ka, madaming sinakripisyo si Blaire. Pero ako din naman, sa kagustuhan kong maibigay aa kanila ang lahat ng kailangan nila sinakripisyo ko ang oras ko na sana kasama ko sila. Ginagawa ko ito para sa kanila. Kasi gusto ko kahit hindi manghingi ang kapatid mo sakin maibigay ko sa kanya ang buhay na tinamasa niya sa mga magulang mo noong di niya pa ako asawa. Sa tingin mo kasi gusto ko ito, ang palaging malayo sa pamilya ko. Hindi mo alam kung gaano kasakit sakin na wala ako sa tabi nila kapag kailangan nila ako. Kasi mas pinili ko ang trabaho ko. Kasalanan ko naman iyon, may choice naman ako Blaze. Pwede kong iwanan ang trabaho ko at sila Blaire ang piliin ko. Pero hindi ko maatim na makita ang mag-ina ko na naghihirap. Mas lalo naman na hindi ko gustong umasa aa inyo kasi mayaman kayo. Kahit doon nalang may pride pa din naman ako bilang padre de fimilia."huminga ako ng malalim.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIRE
РазноеFIFTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Andres and Blaire Story Cover by: PANANABELS