Epilogue

23.8K 714 51
                                    

"SIGURADO ka na ba talaga dito mahal kong reyna?"makailang ulit na akong tinanong ni Andres mula pa paggising namin.

Naiinis na ako sa totoo lang.

"Pang ilang tanong mo na iyan Andres. Naririndi na ako. Balik na nga tayo sa bahay kung ayaw mo naman"naiinis kong sagot.

Naka-kalahati na ata kami sa biyahe namin pauwi ng probinsiya.

Doon na kasi kami magstay na buong mag-anak. After ng isang buwan naming pamamalagi sa aming munting paraiso. Which is si treasure nga kung tawagin ni Andres. Nagustuhan ko na doon at gusto ko ng doon magstay.

Kaya heto kaming mag-anak dalawang araw lang sa manila pabalik na naman sa Ecija.

Pinahakot na namin ang mga importanteng gamit namin. Nauna na samin kasama ang dalawang kasambahay namin ni Andres.

Kahit maliit lang ang bahay kubo sinama ko pa din sila kasi kawawa naman kung mawalan ng trabaho may pamilya pa naman na binubuhay.

"Kasi Blaire kaya nga ako umalis sa serbisyo para bigyan ka ng oras para sa sarili mo. Baka kasi naiinip ka na sa bahay at gusto mo ng bumalik sa dating ginagawa mo"alanganin na paliwanag naman nito.

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sa tuwa ko napahilig ako sa balikat niya at niyakap ang isang braso.

May driver kami kaya malaya kaming maglambingan habang nasa biyahe.

"Mahal kong hari, ngayon mo pa talaga naisip iyan. Ang tagal ko ng house wife. Isa pa mas enjoy kaya akong nasa bahay lang at iniintindi kayong mag-ama"lambing ko naman sa kanya.

Iniyakap niya ang isang braso niya aakin at bahagyabg yumuko para halikan ako sa pisngi.

"Kaya baliw na baliw ako sayo, mahal kong reyna"bulong niyang ikinakilig ko naman.

Buong biyahe namin panay lang landian ang ginawa naming dalawa. Ang anak naman namin tulog lang buong biyahe.

"So, paano ang mga kasama natin sa bahay? Isa lang kwarto ng bahay kubo natin"tanong ko kay Andres ng makarating kami.

Sa bahay ng mga magulang niya kami dumeretso. Maging ang mga kasama namin doon din. Ang mga gamit namin hinatid na sa kubo ng nakuha naming service.

"Magpapatayo ako ng quarters nila sa likod. Aa ngayon dito na muna sila kila nanay. Puntahan nalang nila tayo doon kapag umaga at uuwi sila dito kapag gabi"sagot niya na sinang-ayunan ko naman.

Sa bahay pa din kami ng parents ni Andres nagpalipas ng gabi bago kami lumipat sa bahay kubo namin.

Kahit ba ganito lang kasimple ang bahay namin masaya kami. Malayo man sa nakasanayan ko, hindi ko inaasahan na mag-eenjoy ako dito.

"Mahal kong hari, gusto ko ng guyabano na gagawing shake at lalagyan ng carrots at broccoli"lambing ko sa kanya.

Kauuwi lang niya galing sa manggahan namin dahil nagpapitas siya ngayon ng bunga na dadalin sa manila.

Naakunot ang noo niya habang nakatitig sakin.

"Okay, ano pa gusto mo?"seryosong tanong nito.

Inilagay ko naman sa baba ko ang hintuturo ko na para bang nag-iisip pa ako.

"Salad, ung vegetable salad. Talong, okra, siling maanghang, musta, singkamas at labanos. Mix ha then hilaw lahat"natatakam na ako sa pagkain na naiisip ko.

Napalingon naman ako sa asawa ko ng maramdaman kong nakatayo lang siya sa gilid ko. At hindi nga ako nagkamali dahil nakatitig lang siya sakin.

Nagulat pa ako ng makita ko siyang bigla nalang ngumisi samantalang seryosong seryoso siya kanina.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon