Three

16.7K 443 9
                                    

"THIS is a very important mission, Demaguiba. Galing mismo sa Pangulo ng pilipinas ang trabahong ito. And that is for you to keep safe and alive miss Blaire Monteverde, the sole survivor and witness on VP Mañosca"

Paulit-ulit kong inaalala ang mga sinabi sakin ng bagong PNP Chief namin na si Chief Dimaano.

Ayoko sana, actually tinanggihan ko na nga ang alok nilang trabaho. Hindi naman ako ang unang choice nila. Si Diwata.

Kaso lang hindi na active na police si Diwata kaya ako nalang daw. Si Dominador kasi nasa isang mission na.

Tapos, kakasabi palang nila sakin heto at nasa tabi ko na ang babantayan kn.

Isa pa itong babae na ito, para sakin isa siyang spoiled brat. Sagot sagotin ba naman ang pinakaboss namin. Kahit pa sabihin na hindi nito alam na ang kaharap niya ay ang pinakamataas sa hanay ng mga pulis. Kahit na sana, igalang nalang niya ito dahil matanda na ito sa kanya.

"Are we there yet?"angal nito.

Paglingon ko sa kanya para itong inip na inip samantalang wala pa kaming limang minuto na nagbibiyahe.

Hindi ko nalang siya sinagot at pinagpatuloy na ang pagmamaneho.

Nabriefing na ako kanina ng gagawin ko sa babaeng ito. Na una pa lang ayoko na talagang gawin.

Nahamon lang ang pagkalalaki ko at the same time parang minaliit niya ang kakayahan ko.

Kaya napapayag niya ako ng wala sa oras.

"Urgh!"angal na naman niya.

Napailing nalang ako, kung papatulan ko na naman ang babaeng ito baka mamaya niyan kung anong kapahamakan na naman abutin ko.

Kasi unang kita ko palang sa kanya umiilaw na ang signal ko na umiwas sa kanya.

I'm not saying na woman hatter ako.

Blaire Monteverde.

Isang malaking threat to me.

Maputi, matangkad, halos kasing tangkad ko na. Sexy, slim body, na malaki pa hinaharap. Para siyang angel na nakulong sa katawan ng isang stripper.  Maganda siya sobra a typical Manila girl. In one word, ideal girl ko. Well three words pala.

"Malayo pa ba tayo?"angal na naman niya.

This time, nilingon ko siya at balak na sagutin, pero nakabuka palang ang bibig ko nagsalita na siya.

"I need to pee..."sabi nito.

Napailing nalang ako, saan ko siya paiihiin ngayon.

Nasa kahabaan kami ng talahiban. Hindi ko kasi dinaan ng main road dahil na din sa kailangang walang makaalam na magkasama kami.

"Thirty minutes"simpleng sagot ko.

"What? I can't take that long, gusto mo ba akong magkasakit?"pagtataray na naman nito.

Kaysa makipagtalo ako sa kanya, hininto ko ang sasakyan. Madaling araw  naman na wala ng dumadaan na ibang sasakyan dito.

"Go, bilisan mo"utos ko naman sa kanya.

Nanlaki ang mata niya kasabay ng pagbuka ng bibig niya na nagkorteng letrang O.

"Naiihi ka di ba. Umihi ka na. Wag kang mag alala hindi kita sisilipan."sabi ko pa.

Nanglalaki naman ang ilong niya ngayon habang nakatitig sakin.

"Drive"anito.

Nakipagtitigan naman ako sa  kanya. Damn that eyes, para siyang nang hihipnotismo.

GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon