KANINA ko pa gustong umalis sa bahay na ito, naiimbiyerna na ako sa paraan ng pagsasalita ng bago naming client. Buti sana kung fruitful ang sinsabi nito o kaya naman may sense na kausap.
Naku kung hindi lang naman ito asawa ng Vice President ng bansa kanina ko pa ito natarayan. Wala kasi si Eunice, nasa second honeymoon ba naman ng asawa nito ngayon.Ang kinakainis ko, kung kailan naman kasi madami kaming tanggap na trabaho doon naman naisipan ng magaling kong pinsan na ayain ng second honeymoon ang kaibigan Ko. ayan tuloy, toxic na Ako sa trabaho kahit pa tatlong araw palang naman na wala si Eunice.
"Misis Mañoza, sorry to interrupt but can I excuse for a bit. I really need to use your bathroom"singit ko sa walang kasawaang pagpuputak nito.
Nagpaayos kasi ito ng mansion nito sa sa amin noong isang buwan, ngayon ang turn over namin sa ginang para makita na nito ang naging outcome ng trabaho namin ng halos tatlong linggo.
Tatlong linggo na pasakit para sa kanila dahil sa pabago-bago nito ng design ng buong bahay. Naiinis na nga siya, kung hindi lang nila kasiraan sana ibinalik nalang niya ang ibinayad nito. hindi naman nila kailangan ng malaking kita ng kaibigan niya. mayaman sila, her parents are billionaire, and her bestfriend too both parents and husband is billionaire.
Kung tutuusin ang mga ganitong klaseng client dapat tatagihan na nila. But out of respect sa bise presidente ng bansa tinggap nila ang trabaho.
Maayos naman kasi kausap ang bise, ang asawa lang talaga nito ang ayaw niyang makausap."Miss Monteverde"masayang bati sa kanya ng bise.
Patayo na siya at pupunta n asana sa banyo ng dumating ang bise. Medyo nakahinga siya ng maluwag kahit papaano kasi may makakasama na siyang sasalungat sa ginang.
"Darling!"agaw naman ng pansin ng ginang.
Kung hindi nakaharap sa kanya ang mga ito baka kanina pa niya ito tinirikan ng mata o kaya naman ay nairapan na niya ito sa inis niya dito. Sobrang arte, sobrang matapobre, sobrang mapanlait, lahat na yata ng sobrang negative sa katawan meron ito.
"Vice President Mañoza"nakangiti niyang bati sa bagong dating.
"Hindi ba, pupunta ka sa banyo"singit naman ng asawa ng ginoo.
Nang lingunin niya ito nakataas ang kilay nito at maging ang isang sulok ng labi nito.
"Yes ma'am"pilit ang ngiti niya na umalis sa harapan ng mag-anak.
Kasama kasi ng ginang ang nag-iisang anak ng mga ito na kaugali ng ginang.
Hindi naman siya naiihi o ano, gusto lang niyang makatakas kahit sandali lang sa lugar kung nasaan ang client niya. sobrang nadrain na kasi ang lakas niya sa pakikpagtalo sa mga ito. pinagtulungan pa siya ng mga ito, naloka na siya sa sobrang gigil niya sa mag-ina.
Pagdating niya sa banyo, naupo lang naman siya sa toilet bowl ng ilang minuto. Nagpapalipas lang siya ng oras, baka sakaling napahupa na ng bise ang katarayan ng asawa nito paglabas niya ng matapos na ang trabaho niya.
Nang sa tingin niya okay na ang tagal na nawala siya doon naghugas lang siya ng kamay bago siya dahan-dahan na lumabas ng banyo.
Ewan niya bakit pakiramdam niyang magdahan-dahan sa pagbalik sa mga kausap niya. siguro dahil gusto pa din niyang patagalin ang oras para hindi muna makaharap ang mag-inang Mañoza. Buti nalang talaga walang banyong inilagay sa receiving area ng pamilya at naka medyo malayong bahagi ng bahay ito nakalagay.
May dadaanan pa muna siyang mahabang pasilyo bago makabalik sa receiving area.
Nasa bungad na siya ng pinto ng makarinig siya ng mga daing at iyak sa loob ng kwarto kung saan siya pupunta. Bigla parang binundol siya ng kaba sa narinig niyang daing ng mga nasa loob. Para bang nahihirapan na daing ang naririnig niya.
BINABASA MO ANG
GENTLEMAN'S QUEEN #5: BLAIRE
РазноеFIFTH BOOK OF GENTLEMAN'S QUEEN Andres and Blaire Story Cover by: PANANABELS