IV.

1.5K 73 13
                                    

"Kuya, ano ka ba?! Sinisira mo na ang buhay mo, just because of a woman. You don't deserve her." Hindi ko pinansin si Ginna, ipinagpatuloy ko lang ang pagtungga ng alak.

Ang sakit. Tangina!

I never talked to Celine after that. Alam kong mahal niya ako, pero mali ang paraan ng pagmamahal niya. You cannot love if you will hurt others. Hindi pagmamahal ang tawag no'n.

Would the pain go away if I drink? Gusto ko na lang iinom ang lahat. She left me without letting me explain. She accused me of being a cheater. She never loved me the way I loved her. Kasi, kung mahal niya ako tangina,she will let me explain! She will understand me! I never wanted Celine. Siya lang! Bakit ba hindi niya maintindihan iyon?

Nagpatatoo na ako lahat para lang hindi siya magduda sa pagmamahal ko. I want her name engraved in my body yet she chose to leave me. Ano pa bang dapat kong gawin?

Totoo ngang masyado pa kaming bata nang magsimula. Masyado kong minadali ang lahat. Pagkagraduate namin, hindi pala agad iyon ang magiging sapat na rason para magiging kami pa rin sa huli. We still have to take different paths.

Napasabunot pa ako sa buhok ko. Pang ilan ko na bang bote ngayong araw. And I don't care!

If only I could numb all the pain I've been inflicted.

Lumabas ako at sumindi muli ng sigarilyo. Nakasayan ko na lang 'to dahil sa sunod sunod na frustrations ko.

Nakakita naman ako ng mga grupo ng kabataang lalaki. Nang tinawag ko sila, sa tama ng alak ko siguro nasuntok ko ang isa. 1 to 5. Tangna, wala akong pakialam! Gusto kong magbasag ulo.

Sunod sunod ang natanggap kong suntok sa dibdib, sa tagiliran, ilang beses na rin akong nasipa sa mukha.

Hinayaan ko lang sila na bugbugin ako habang inaalala ang mga salitang binitawan ni Esguerra. I never thought words could be that powerful to destroy someone. It melted to the core.

Talo na ako umpisa pa lang, pero sinubukan ko. Pinaglaban ko siya. Bakit siya hindi niya kaya sa 'kin?

Would the pain be kicked away too if I let them to do these to me?

Hanggang sa bumulagta na ako sa lupa at iniwan ng limang iyon. Tangna, ang lalakas ng suntok at tadyak na natamo ko. But it can never equate to the pain in my chest.

Kung malalaman ba ni Esguerra na ganito ako, babalikan niya kaya ako?  Would we be together again? Would she come and hug me like how he used to do? Would she rest in my arms? 

Nakalipas na ang dalawang linggo, pero wala pa rin. No traces of her. She didn't come back. She chose to stay away from me. She left me!

Naospital pa ako, pero wala talaga. Hindi niya ako binalikan.

"Iniwan ka na nga, inaalala mo pa rin." I ignored Kiko's remark. Nanatili lang ang tingin ko sa kalangitan.

I heaved a deep sigh.

Nagsimula na akong bumalik muli sa pag aaral.

"Hi," Napatingin ako sa nagsalita. Itinabi ko ang ballpen na hawak ko.

"Lunch tayo pagkatapos mo,"

"Mamaya na Sab, I still have a lot to review and memorize."

"Gray, kanina ka pa nag aaral. Com'on, let's eat."

"Fine," Hinila niya ako sa cafeteria. Sab became a very good friend of mine. We often study together. Minsan din ako sa bahay nila kapag may kailangan kaming ireview.

I went back straight to our house after class.

"Ginna?" I knocked the door of her room but no one responded. Hihiram sana ako ng charger ng laptop. Pumasok na lang ako sa loob at iginala ang mata sa paligid.

Caught On Fire (WAKAS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon