V.

1.5K 74 12
                                    

"Ano ba Sab, hindi na ako natutuwa sa'yo? What the hell is your problem?!" Halos pumutok na ako sa galit, kanina lang kasi nandoon ako sa trabaho nang bigla siyang sumugod sa secretary ko. She thinks that I am cheating on her! Nakakasawa at nakakarindi na.

"Why?! Ako pa ang mali Gray? That wench! Dapat nakalbo ko ang buhok niya," sabi niya pa.

Hinawakan ko naman ang braso niya. "Alam mo Sab naiinis na ako sa'yo, sumusobra ka na. You don't need to be violent as that!"

"I'm sorry Babe, I was just jealous. Kasi, mas marami pa siyang time sa'yo kesa sa 'kin," sagot niya. Pinilit kong kumalma. Walang patutunguhan 'tong paguusap namin.

"Know what Sab? You need to go home, I need to rest."

"Ayoko!"

"Ano ba Sab?!"

"You're too much na Gray, you're hurting me.." Mangiyak ngiyak nitong sabi. Hinilot ko ang sentido, tangina!

"Umuwi ka na Sab," sabi ko. Pinipilit ko pa ring maging mahinahon kahit na sasabog na ako. I have many files to read. May mga kaso pang nabuksan kaya lalong umiinit ang ulo ko Sab. Dumadagdag pa siya sa pasanin ko. Hinila ko naman siya palabas ng office ko.

"Hell no! Isusumbong kita sa Daddy ko. I hate you!"

"Then do it, Sab! Nakakapagod na!"

I was taken aback when she slapped me.

"How dare you?! After all the things we've done to your family Gray. Ganito ang ibabalik mo sa 'kin. Baka nakakalimutan mong 'di ka magiging abogado without our help."

I let out a deep sigh. "I know Sab, alam ko! Pero, pwede ba umuwi ka na lang, bukas na tayo mag-usap."

She crossed her arms and went outside. Buti naman, nakahinga na rin ako ng maluwag.

I sitted on my swivel chair. I kept on massaging my temples.

Tumayo na lang ako at kinuha ang susi ng kotse. I needed an air to breathe. Nagmamaneho lang ako ng sasakyan nang makakita ng isang pamilyar na tao. I stopped the engine. Bumaba naman ako nang makita siyang tinitingnan ang gulong ng kotse niya.

"Need help?" She turned around and looked at me. Damn. She looked more beautiful now that she cut her hair. Hanggang shoulder lang iyon pero ang ganda ganda niya.

"I have some tools. Let me fix it." Kinuha ko naman ang iilang gamit ko sa kotse ko at bumalik doon.

Nakita kong nakaupo siya sa gilid. As I was fixing it, I stopped when I heard her say that Ongpauco's name. Tangina! I don't want her saying other name beside me. It should have been me! Only me.

"Ipakuha mo lang 'to. Sabay ka na sa akin." I interrupted her. Ibinaba niya naman ang telepono at humarap sa 'kin. Tama 'yan Esguerra, sa 'kin ka lang dapat lilingon. I was so invited to Batangas as celebration for Hera's wedding anniversary.  She declined but I insisted.

I heard her sigh. Kahit gaano mo pa ako kontrahin Esguerra, susunod ka pa rin sa 'kin.

Gusto ko. Gusto ko siyang makasama kahit ganito lang.

Sumakay siya sa shot gun seat.  Ako naman ay nakatutok ang atensyon sa daan.  I swallowed hard before I asked question I've been dying to know. 

"Nanliligaw sa'yo si Mr. Ongpauco?" I asked out of the blue.

"Oo," sagot niya.

Fuck! Two letters! Tangina! Ang sakit pa rin Esguerra.

"Really? Kelan pa?" I want to know! May pagasa ba siya sa'yo? Would you accept him?

Caught On Fire (WAKAS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon