Chapter 4

1.3K 26 0
                                    


"Bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong ni Hazel habang pinupunasan ang bibig gamit ang tissue. Magkatabi sila ni Sofia at katapat ko sila.




Napalunok ako kahit wala namang kinakain. "I just lost my appetite." Pagdahilan ko. Magkasama si Kugimiya at Davika nang pumasok sa restaurant. I presumed he didn't see me yet. Umupo sila malayo sa table namin.




He was a total jerk! He was a fucking liar. Hindi ako makapaniwalang ginagago niya ako! How does he define emergency? Gosh! I can't believe myself right now. Bakit ba ako nagpapauto sa kanya?! Tama, it's my fault. I shouldn't have trusted him in the first place.




"Anny?" I came back to my senses when Hazel squeezed my hand, placed on the table.




"Hmm?" Napataas ako ng dalawang kilay.




"You were zoning out baby girl. Something in your mind?" She asked worriedly. "Wag ka nang mag-alala we're not going to ask about your secret boyfriend." She chuckled.




I gave her a disgusted look. Boyfriend? Hell no! "Hindi ko nga siya jowa. Ok?" Naramdaman ko ang pagtaas ng dugo ko. Uminom ako ng tubig habang sinulyapan ng tingin si Kugimiya. Muntik ko na itong naibuga sa mukha ni Hazel nang nagtama ang tingin naming dalawa. Halatang gulat siya nang nakita ako at siya ang unang umiwas ng tingin.




Agad akong inabutan ni Hazel ng tissue. "You almost... ugh!" Naistress siya ng kaunti kaya't tinawanan siya ni Sofia.




"Sorry na," kabado kong pinunasan ang bibig ko.




"Just eat!" Pagsusuplada niya.




Napilitan akong sumubo, halos di ko ito malunok dahil sa nerbyos. Gusto ko na hatakin si Hazel at Sofia palabas ng restaurant pero di ko alam kung paano. Teka nga! Bakit ako aalis? Ako ang nauna dito at isa pa, ano bang kasalan ko para iwasan siya?




"Ba't parang hindi ka mapakali dyan?" Nagtatakang tanong ni Hazel. Napansin niya ata ako.




"H...huh? Ah, wala..," hindi ko na maituloy kakatingin sa table nila Kugimiya. Seryoso siyang nakikipagusap ngayon kay Davika.




"Sino bang tinitingnan mo?" Nakakunot na ang noo ni Hazel. Narinig ito ni Sofia at aakmang lilingon na silang dalawa sa tinitignan ko.




"No! Don't!" Pigil ko. Pareho silang gulat na napabalik ng tingin sa akin. Muntik na akong mawalan ng hininga dahil sa kaba.




Tumaas ang isang kilay ni Sofia. "What's happening to you? What's the matter?"




"Just don't." Humugot ako ng hininga. "Walang lilingon sa inyo. Wala! Ok?"




Ngunit ang dalawang gaga, matitigas talaga ang mga ulo. Sabay ba namang lumingon sa table nila Kugimiya!




"Mga stupid, sinabing wag lumingon!" Ako naman ang naistress. Mabuti nalang at mukhang masinsinan ang pinaguusapan nila Davika at Kugimiya. Nakaekis ang dalawang kilay ni Kugimiya habang nakayuko naman si Davika, mukhang nagaaway.




Napatakip ng bibig si Sofia gamit ang dalawang kamay habang si Hazel naman ay nakaawang ang mga labi, hindi makapagsalita.




"Your boyfriend is with someone else, oh my god!" Napapaypay si Sofia gamit ang kamay. "Susugod na ba tayo?" Determinado siya at mukhang handa nang tumayo. Tumango naman si Hazel bilang pagsang-ayon.




Napairap ako. "Mga sira! Ano bang pinagsasabi niyo." Mas lalo lang talaga akong naiistress sa kanilang dalawa. "Hindi ko siya boyfriend, ok?" Dugtong ko.




My Student, My LoverWhere stories live. Discover now