Isinuot ko ang black heels ko, handa nang pumasok sa trabaho. Saktong pagkalabas ko ng unit ay lumabas rin si Kugimiya galing sa unit niya na talagang ikinagulat ko. Iyon lang ang pinakaunang beses na nagkasabay kaming lumabas. Nakauniform siya at paniguradong pupunta na rin sa university. Wala naman siyang subject sa akin ngayon kasi Wednesday pero nagkita parin kami, swerte no?!Nginitian niya ako. "Morning babe," bati niya. Sa totoo lang, kung may kasing gwapo siya at kasalungat sa paguugali niya talagang noon pa ako nahulog.
Inismiran ko lang siya at hindi pinansin. Mabilis akong naglakad papuntang elevator, nagbabasakaling hindi niya ako mahahabol. Ngunit mabilis siya, na ngayon ay nakatayo na sa tabi ko. Pinindot ko ang down button ngunit nasa 15th floor pa ito. Pagilid ko siyang tiningnan at inirapan pagkatapos. Wala pa rin ako sa mood na kausapin siya. Malas ko lang ngayon kasi sabay kaming naghihintay sa pagbukas ng elevator.
Gulong-gulo na ako sa buhay ko simula nung dumating siya. Mas lalo lang nagulo kagabi nang ipinagtapat ni Hazel na muntik nang may mangyari sa kanila ni kuya dahil sa kalasingan nilang dalawa. Pumunta siya sa hotel para dumalo sa isang party at andun rin si kuya. May common friend siguro sila. Halos lumipad kaluluwa ko dahil sa sinabi niya. Wala naman kasing naibanggit si kuya sa akin tungkol dun. Noon ko pa siya binantaan na wag siyang papatol sa dalawang gaga kong kaibigan. Knowing that my brother was a total flirt, ayaw ko silang masaktan. Mabuti nalang at tumawag si Sofia sa kanya nang gabing yun kaya nasundo siya at hindi naituloy. Sinermonan ko talaga si Hazel at pinagsabihan na dapat magingat siya sa mga kinakasama niya kahit na kuya ko pa. Hindi naman bago sa kanila na malandi ang kapatid ko.. at may isa pa palang malandi, itong nasa tabi ko.
"Grumpy early in the morning huh?" sambit niya.
Hindi ko na siya nasagot dahil bumukas na ang elevator. Pumasok na ako at sumunod naman siya. Hindi natinag at tinabihan parin ako kahit wala namang ibang sakay at ang laki pa ng space. Pinindot ko ang first floor habang siya ay ground floor.
"Did you settle with your friends last night?" He tried again. Manhid ba siya para hindi maramdamang wala akong ganang kumausap sa kanya?
Pero napilitan parin akong sagutin siya. "Wala ka nang pakialam dun."
Tumawa siya ng mahina. "You're the type who gets hurt easily."
Nung una nagulohan ako sa sinabi niya pero kalaunan naalala kong may naibulgar pala si Hazel sa kanya kagabi. Mas lalo lang akong nainis dahil pinaalala pa niya sa akin. Agad ko siyang iniwan nang bumukas ang elevator sa first floor. Umagang-umaga nasisira na ang araw ko.
May dumaan na taxi kaya't sumakay ako kaagad. Dumaan muna ako sa isang convenience store malapit sa university para bumili ng battery. Bigla nalang kasing hindi gumana ang remote ng projector ko kahapon, paniguradong weak na ang battery. Pagkatapos kong magbayad sa cashier ay may biglang bumangga sa akin kaya't muntik na akong matumba, buti nalang may harang sa counter.
"Oh shit, sorry miss.." Paumanhin nung nakabangga sa akin.
"Okay lang," sagot ko habang inaayos ang suot ko, nagusotan tuloy ang white sleeve ko.
"Yanney?"
Agad akong napatingin sa kanya.
"K.. Karen?" Gulat na tawag ko sa kanya. She was my blockmate in college. Last naming kita ay noong sa club pa. Naalala niya pa kaya ang nangyari? Nakakahiya naman pero mukhang tipsy na siya nung gabing yun, kaya't malabong maaalala pa niya. Ah basta! Kailangan ko lang mag-ingat sa mga sasabihin ko at huwag banggitin ang tungkol sa nangyari noong birthday ni Sofia.
YOU ARE READING
My Student, My Lover
RandomYanney, a fresh graduate and a newly hired college instructor, met the most annoying Financial Management student, Barrey. Destiny was making fun of her. It turned out, they were living in the same apartment. Language: Tagalog-English