Nang natapos na ang unang praktis namin sa sayaw ay niligpit na ng mga lalaking propesor ang mga kawayan. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang dala kong panyo. Sobrang nahirapan ako sa mga unang steps ng Tinikling. Ito ang pinakaunang beses na napasayaw ako ng folkdance. At isa pa, hindi ako sanay na may kapartner sa sayaw. Hindi ko man sinasadya pero talagang awkward ang pakikitungo ko kay prof Ignacio, habang siya ay kaswal lang. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago nagpaalam sa mga kasamahan ko."Una na ako," Pagpaalam ko sa kanila. Nagmadali akong lumabas ng auditorium at kailangan ko pang mag-abang ng taxi.
Only a second after I closed the auditorium's door when it opened again. I turned to look back and I saw prof Ignacio. Gulat akong napatingin sa kanya. Dala na niya ang mga gamit niya at nakasabit sa isang daliri ang susi ng sasakyan niya.
Tipid akong ngumiti sa kanya at tumalikod para patuloy nang makaalis.
"Wait..prof!" Bigla niyang tawag kaya't napahinto ako at nilingon siya ulit. Parang may kung ano siyang gustong sabihin pero hindi niya maibigkas. Napapikit siya nang saglit at umiling. "Nothing,"
I tilted my head, obviously confused of his words and actions. I just nodded in response at tuluyan nang nauna sa kanya. Mabuti nalang at paglabas ko nang university may dumaan agad na taxi.
Nang nakasakay na ako, agad kong hinulakay ang loob ng bag ko para hanapin ang cellphone ko. Binuksan ko ito, umaasang may text na si Kugimiya sa akin, ngunit isang message lang ang naroon at hindi iyon galing kay Kugimiya. Napabuntong hininga ako at binasa ang text ni Sofia.
From: Sofia
wanna grab a few drinks later?? i juts got home from ilocos
I shook my head. This girl was really a bad influence.
To: Sofia
It's a Tuesday Sof, aga naman para mag-inuman.
From: Sofia
c'mon it's my treat i just need to walwal hazel's coming!! susundiin kita
To: Sofia
Are you broken-hearted?
From:
broken-hearted lang ba ang pwdng magwalwal?? venus club 10pm see yah!!
To: Sofia
Fine!
I brushed my hair stressfully using my hand. I just remembered that Kugimiya or his family owns that freaking club. Ngayon, hindi parin nawawala sa isip ko si Kugimiya. I had so many questions in my mind. Bakit siya naaksidente? Bakit kasama niya si Davika where in fact may tutoring session kami dapat sa time na yun? Bakit hindi pa rin siya nagtext sakin until now? He was not that really injured to not get his phone and make a call or send a message. I was getting frustrated, tama lang siguro para uminom ng kaunti.
White top at button up suede skirt ang suot ko para naman magblend ako sa club. Mukhang mapapadalas na ako sa club ngayon dahil kay Sofia. Naglagay rin ako ng light make up para hindi ako magmukhang zombie, nakalugay lang ang buhok ko.
Habang nag-hihintay akong sunduin ni Sofia, hindi ko na napigilang magsend ulit ng text message para kay Kugimiya. Sobrang bothered ako, na hindi ko alam kung bakit.
To: Kugimiya
Hey!
Kinagat ko ang ibabang labi ko at nagtext ulit.
YOU ARE READING
My Student, My Lover
De TodoYanney, a fresh graduate and a newly hired college instructor, met the most annoying Financial Management student, Barrey. Destiny was making fun of her. It turned out, they were living in the same apartment. Language: Tagalog-English