Nanuyo ang lalamunan ko.
"Talking about relationships.." hindi pa siya tapos. Ano na naman ba ang nakain niya at tinatarget ulit ang kinaayawan ko? May kasalanan pa siya sa akin ngunit parang wala siyang pakialam at mas lalo lang niyang pinapaikli ang pasensya ko.
"Talking about relationships prof," he repeated which made me flinch. My heart was out of control. "Have you ever been in a relationship?" Tumaas ang isang kilay niya habang hinihintay ang sagot ko.
I clenched my teeth, their eyes were on me. I kept swallowing until my throat felt dry again. "Y.. yes, relationship with my bestfriend," I sounded so dumb.
He laughed in disgust. "You know what I'm talking about prof." He scoffed, not buying my excuse.
Napahigpit ang hawak ko sa remote at bahagyang pinaningkitan siya ng mga mata. "For your information, this class is Com506," I paused to gasp some air. "Not YanneySperbund101!"
All of them laughed while Kugimiya seemed to get tensed. I thought of winning the battle this time. He became silent and was staring at me intently, there was tension around us. I cleared my throat to change and lighten the mood.
Lumingon si Davika sa likod kung nasaan si Kugimiya, nasa first row kasi siya nakaupo at si Kugimiya ay nasa bandang likuran. "Do you like our prof Barrey?" Diretsahan niyang tanong kay Kugimiya.
Napaawang ang mga labi ko, hindi na makapagsalita. Sabay silang tumingin kay Kugimiya at sabay ring lumipat ng tingin sa akin. Napalunok ako nang silang lahat ay nakatitig na sa akin, tila sinisisid ang laman ng utak ko. Napansin kong magsasalita na si Kugimiya kaya't agad ko siyang inunahan, baka kung anong katarantadohan na naman ang lumabas sa bibig niya.
"Le.. let's go back to our lesson, uh.. risk-return relationship." I looked at them awkwardly before shifting my eyes to my laptop, wala na akong pakialam kung ayaw nilang makinig sa akin. Basta'y gusto ko nang matapos ang klase.
"Quiz on Friday, please study," pagtatapos ko. Inayos na nila ang mga gamit nila sa kani-kanilang table para maghanda sa susunod nilang klase. Mabilis kong niligpit ang projector upang makaalis agad. Pinasok ko ito sa bag ngunit natigilan ako nang nakita si Kugimiya sa tapat ko. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa table kung nasaan ako. Nakatitig siya sa akin habang nakataas ang isang gilid ng kanyang mga labi. I gave him a fake smile that lasted for a second.
"I'll come to your unit later," kalmado niyang sabi.
Kabado kong nilibot ang tingin para isiguradong walang nakapansin sa sinabi niya. Nang magpagtantong wala naman, dahil abala sila sa kanya-kanyang gawain, binigyan ko siya ng masamang tingin. Hindi talaga siya nagiisip! Paano nalang kung may nakarinig sa kanya, of course bibigyan iyon ng ibang meaning. Gago talaga siya! Nilalagay niya sa peligro ang trabaho ko. This jerk was really a pain in the head.
Hindi ko na siya pinansin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. Ngunit nanatili lang siya sa kinatatayuan habang sinusunod ng tingin ang bawat galaw ko.
"Do you want me to repeat what I've said?" Ngumisi siya.
I gave him a sharp look.. but I sighed in defeat, this asshole liked annoying me. "Please stop it," pabulong kong sagot.
He chuckled. "See you later.." he mouthed before turning back.
Nakahinga lang ako ng maluwag nang bumalik na siya sa upuan niya. Mabilis akong lumabas ng classroom at ikinalma ang sarili.

YOU ARE READING
My Student, My Lover
RandomYanney, a fresh graduate and a newly hired college instructor, met the most annoying Financial Management student, Barrey. Destiny was making fun of her. It turned out, they were living in the same apartment. Language: Tagalog-English