Nag check-in ako sa hotel na pina-reserve ko bago pa kami pumunta dito, kasalukuyan akong nagluluto ng makakain habang nakabukas ang TV. Ganito lang kasimple ang buhay ko, kuntento na akong mag isa at kasama ang pamilya, masaya ako, oo masaya. Kung may mag tatanong man kung paano ko siya nakilala? Well
Freshmen college student ako ng ma- curious sa pag ibig, yung mga classmate ko grade 6 palang e may mga jowa na, pero ako simpleng patatas na walang nakakapansin, kaya naman labis ang tuwa at gulat ko ng malaman kong may nagkakagusto daw sakin mula sa ibang college.
Si Jacob, palagi niya akong pinapadalhan ng roses at chocolate sa room kaya hindi maiwasan mapansin ng mga kaklase ko. Palagi ko siyang nakakasama noon hanggang sa maglaho siya, isang linggo matapos siyang hindi mag paramdam ay nakita ko siya na may kasamang iba. Narinig ko pa sa iba na kesyo pakipot daw ako kaya nagsawa si Jacob sa pag pursue sakin, mabuti nga at hindi naging kami.
Nasa isang sulok ako sa hallway habang nakatingin sa kinaroroonan ni Jacob. Nakaakbay siya sa isang babae at mukhang masaya naman sila ng may kumausap sa akin na kanina pa pala nasa tabi ko. "Hindi mo manlang ba siya kokomprontahin? Nakakagago hano? Niligawan ka at tapos ay iba ang magging girlfriend niya." Napaka-daldal pala ng lalaking ito "Hindi kailangan mag habol ang isang babae sa lalaking hindi marunong mag-antay, I should be thankful na hindi naging kami." "Well hi I'm Royce nice to meet you, Agatha," Nginitian ko siya ng matipid at umalis. Hindi ko naman siya ganoon ka kilala kaya hindi na kami nakapag usap ng matagal.
Matapos ang eksenang iyon ay palagi ko nalang siya nakikita, minsan nasa hallway kesyo gusto niya akong makita, minsan naman sa building namin, masarap daw kumain sa cafeteria namin. Inaya niya pa nga ako kumain, pero tumanggi ako kaya sinundan niya nalang ako sa cafeteria. Kumakain ako ng ice cream habang nakatitig lang siya sakin at nakangiti, yun naman palagi ang itsura niya.
Napadalas ang mga bagay na yun hanggang sa umamin siya na may gusto siya sakin, the reason kung bakit hindi ko siya gaano ine-entertain ay dahil ayoko sa mga senario na kaibigan mag kakagusto sa kaibigan.
Pagtapos ng pag amin niya ay niligawan niya ako. Ang totoo masaya ako sa mga bagay na yun onti nalang ay sasagutin ko na siya, kaya lang isang bagay isang bagay ang dahilan kung bakit hindi kami nag tagal.
Aaminin ko naging kami ngunit may mga bagay pala na kailangan i-consider kapag merong 'kami' nagiba ako alam ko ako ang nagbago. Naging selosa ako, malambing at minsan taklesa palagi akong galit sa mga bagay na ginagawa niya. Pagyoyosi, games, billiards at mag cutting class feeling ko ay may isa akong batang kailangan pag bawalan.
Lahat ng yun ay hindi ko nabago sa kanya hanggang sa pinaranas niya sakin yun, masaya pala. Masasabi kong naging katulad ko siya at mas naintindihan, kaya lang yung isang bagay na yun, yun ang hindi ko matanggap.
Isang party ang naganap kasama ng mga kaibigan niya, nandoon si jacob, oo matalik na kaibigan niya pala ito. Sa isang sulok kung saan tahimik doon ako napadpad makalayo lang sa mga tao pero isang nakakagulat na eksena ang nakita ko. Siya at ang mga ka barkada niya kasama na si jacob.
"Sabi ko naman sa inyo sineryoso niya na si Agatha." Narinig kong binanggit ang pangalan ko ng isa sa kanila at umakbay sa balikat ni Royce.
"Ang usapan natin, paglalaruan mo siya, ang sabi mo kaya mo?" Natulala ako sa sinabi ni Jacob, anong ibig sabihin ng mga ito. "Ibibigay ko sayo si Hannah kapalit ng paglalaro mo sa kanya pero anong nangyari?" Dagdag pa ni Jacob.
"Relax. Ganon na ba ako kagaling umarte?" Yan ang sabi ni Royce at nagtawanan sila, may dumating na babae at binulungan ni Jacob, lumapit ito kay Royce at hinaplos ang damit niya, naghiyawan naman sila.
BINABASA MO ANG
𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒔𝒕 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒁𝒉𝒂𝒔𝒉𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒏 (REVISING)
Tiểu Thuyết ChungWhen Zhasha Marrin starts to used the 'Pastal Harrin' (A past life apparatus that had been created by the Kendstor Diamas Valēre Administration), another voice was heard from her head that will help to reveal the missing history. Let's find out the...