Chapter 5 - Cold stare had cares

152 46 2
                                    

"Tôi không thể tin những gì tôi thấy, nhưng những gì họ nói là đúng. Gặp chúng tôi trên máy bay. " 'Yon ang una kong narinig na pagu-usap na nagmula malapit sa'kin. Iba ang kanyang lenggwahe kaya wala akong maintindihan.

Wala akong makita dahil sa pagkakapiring ng aking mga mata, kaya naman pinapakiramdaman ko ang bawat paggalaw sa paligid. Sa tagal ng pagkaka-upo ay wala akong maramdanan na kahit anong ingay maliban sa pag alon ng sasakyan, mga ilang sandali, napagpasyahan kong matulog upang makabawi sa pagod.

Huminto ang sasakyan na ikinagising ko. Pinapakiramdaman kong muli ang paligid hanggang sa may humawak saking braso. Inalalayan niya ako sa paglalakad at paghakbang pababa ng hagdan. Nangmakababa ay naramdaman ko ang lakas ng hangin at ugong na nagmumula sa uri ng sasakyan. Habang naglalakad, Naririnig ko silang nagu-usap, wala akong maintindihan kaya hindi ko nalang pinansin. Huminto kami sandali at inalalayan muli ako papasok sa isa pang uri ng sasakyan.

Nasa loob ako ngayon ng isang sasakyan na paabante ang andar, nakakahilo ang byahe na ikinasuka ko. Sa bawat pagsuka ay paulit-ulit akong nasusuka dahil sa amoy. May nagpunas sa'king bibig at sa katawan kong na-basa, pinainom ako ng tubig at tinanggal ang pagkakaposas sa'king mga kamay.

Malayo ang byahe, mas nakadagdag kaba ang piring na nakalagay sa aking mga mata. Pilit kong ikinakalma ang sarili at humahanap ng tyempo para makatakas. Hindi ko magawang tanggaling ang piring, dahil pakiramdam ko ay binabantayan nila ako. Ano bang nangyayari, nasaan ba ako? Mga tanong na paulit-ulit sa aking isip.

Papikit na muli ako upang matulog, ng makarinig ng isang malaking pagsabog na tumama sa kinaroroonan namin. Ramdam ko ang init at nakakapasong hangin na hindi ko naman makita dahil sa bagay na nakatakip saking mga mata.

"Agatha!" Isang malakas na sigaw. Tinanggal niya ang nakatakip sa'king mga mata. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga pangyayari, hanggang sa napamulat ako. "Nananaginip ka." Dugtong niya.

Napakurap-kurap ako, at ikinalma ang paghinga. Nakatingin lang siya sa'kin na tila ba ay naga-alala. "Kamusta?" Muling tanong niya.

"Salamat, Royce. Hindi ko alam, ang gulo ng panaginip ko. Wala akong maintindihan." Napa-sandal ako sa gilid ng sasakyan.

Kasalukuyan kaming nasa byahe ng pamansin niya raw akong pinagpapawisan. Huminto siya sandali sa gilid at pilit akong ginigising. Pagkatapos niyang masiguro na okay na ako, itinuloy na namin ang byahe.

Hindi ito ang unang beses na napanaginipan ko ang eksenang iyon. Nung una, hindi malinaw ang eksena kaya hindi ko nalang pinansin. Matagal na 'yon, ngayon ko nalang muli naalala dahil sa pagkakaulit ng panaginip.

Hinatid niya ako sa aking opisina katulad ng sinabi ko. Mayroon din siyang importanteng meeting kaya maaga kaming byumahe pauwi. Pagka-hinto niya sa parking lot ng building, nagpasalamat ulit ako sa paghatid niya sa'kin.

Office

Pumasok ang secretary ko sa office pagkatapos niyang kumatok. "Good Morning Ms. Agatha. You have meeting schedule today, 2:00 PM with Mr. Sandival, about his wedding," at inabot niya sa'kin ang address ng location. Tumango lang ako at lumabas na siya pabalik sa kanyang cubicle.

Hinanap ko ang files ni Mr. Sandival mula sa 'List of Client' for this November. Noong October pa sila nagpaschedule sa amin at ngayon lang nagkaroon ng schedule dahil sa daming naka-line up. Naready ko ang mga samples ko para sa wedding na nagawa na namin noon para maging basis. Mula caters, reception area, flower arrangements at pati na ang sample video clip ng wedding. Paguusapan namin mamaya sa meeting ang magiging budget para makapagsimula na ng layouts. Nagprint na rin ako ng 'Contract' just in case na pumayag sila agad ngayon.

𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒔𝒕 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒁𝒉𝒂𝒔𝒉𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒏 (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon