Chapter 8 - Annoying

95 44 0
                                    

Nagising ako sa mabangong pagkain na naamoy ko, kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto. Pumunta ako sa kusina at nakitang nagluluto si Manang Fellis ng Chicken Curry. Ito ang paboritong ulam ni Bela. Kapag ito ang ulam namin, nagiging maganda ang mood ni Bela, kaya siguro ito ang niluto niya. 

lumapit ako sa kinaroroonan niya "Good morning Manang, mukhang masarap 'yan ah?" puna ko. Nginitian naman niya ako at tinuro ang kwarto ni Bela, senyales na hindi pa ito gumigising. Napatingin ako sa orasan na naka-kabit sa pader at hindi pa naman pala siya late kaya hindi ko na siya inistorbo. Nagpasya akong pumunta sa banyo para maghilamos dahil kakagising ko lang.

Binasa ko muna ang mukha ko ng lukewarm water bago mag-apply ng facial wash. Pagkatapos kong patuyuin, tsaka ako naglagay ng recovery gel. Kinuha ko ang toothbrush na nakalagay sa gilid ng lababo at nilagyan ko ito ng kaunting toothpaste. sa pagto-toothbrush, napansin ko ang pagbabago ng kulay ng aking mata. Inilapit ko pa ang mukha ko sa salamin para makita ang pagbabago. Mula sa pagkadark brown, tingin ko ay nag-light ito ng kaunti. Siguro dahil sa reflection lang ng araw na sumisilip sa bintana ng CR. 

Pagkalabas ko, pumunta ako sa kusina at naabutan ko si Manang Fellis at Bela na nagu-usap kaya huminto muna ako para tignan at pakinggan sila. "Sorry po kagabi Manang," sabi ni Bela. Hinawakan ni Manang Felis ang kanyang kamay bago magsalita "Ayos lang naiintindihan naman kita. Kasalanan ko din, nasira ko ang gamit mo. Yamo, papalitan ko nalang ang headphone pagnagkasweldo." 

Ipinaghain kami ni Manang Fellis ng kanyang niluto, inaya naman siya ni Bela na sumabay na sa'min sa pagkain. Napag-usapan namin ang anak ni Manang Fellis na si Celine habang kumakain.

"Iyon nga po ma'am sana ang ipapakiusap ko sa inyo. Gusto niya po kasing lumipat dito sa Manila lalo't nabigyan siya ng scholarship," paliwanag nito. Nai-kwento niya sa'kin kahapon na nakatanggap ito ng scholarship mula sa school ni Bela ng magkalaban sila sa isang contest.

"Edi maganda. May makakasama na si Bela, diba? Dito mo nalang siya patuluyin manang. Ano satingin mo?" tanong ko kay manang. Palagi nalang kasi si manang ang kasama niya kapag nauuna siyang umuwi ng bahay or kapag hindi ako nakakauwi dahil sa pagaasikaso ng events.

Napansin kong nakatingin lang siya kay Bela na napatigil sa pagkain. Napatingin din ako kay Bela para malaman ang nasa isip niya. "I think so, manang. Tutal sa school ko naman siya magt-transfer, diba?" Naiilang na pagsasalita niya. Binaliwala ko lang ang tono niya, tingin ko naman ay okay lang sa kanya lalo't palagi nalang siyang naiiwan dito sa bahay.

Ipinag-baon ni Manang Fellis si Bela ng ulam pati na din ako. Kapag dalawa kaming umaalis sa bahay, naiiwan si Manang Fellis para maglinis ng bahay. Matagal na siyang kasambahay nila Tita Helena bago pa ako mapunta sa City, kaya malaki ang tiwala ko sa kanya.

Although hindi ako sanay magtiwala sa iba, mga piling tao ang binibigyan ko ng pagkakataon para pagkatiwalaan ko. Sabi nga ng isang finest poet 'No man is an island'

.....
Clipon Restaurant

Nagpa-reserve ng seats si Brix sa isang Japanese Restaurant ngayong araw malapit sa office namin kaya pumayag na ako. Dito niya balak makipag-kita pagkatapos niya maka-recover.

Pagkapasok ko sa establishment ay narinig ko ang pagbati ng mga crew in japanese language. Isang crew, na nagngangalang Aica, ang nagtanong sa'kin kung mayroon ba akong reservation at sinabi ko naman ang pangalan ko.

Napagmasdan ko ang wall ng restaurant na may larawan ng mga kilalang anime character. Sinamahan ako ni Aica papunta sa seats kung saan nakita ko si Brix. Nakaupo siya at panay tingin sa kanyang cellphone na parang ginawang salamin dahil sa pagaayos ng kanyang buhok. Napalingon siya sa kinaroroonan ko at bigla kong nakita ang kanyang pag-ngiti.

𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒔𝒕 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒁𝒉𝒂𝒔𝒉𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒏 (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon