Chapter 2 - Awaken Kiss

224 54 70
                                    

Pagkatapos ng meeting ko with Ms. Shadha, nagpatawag ako agad ng meeting sa office para mapagusapan namin ito ng maaga.

Kinausap ko ang Venue Coordinator na si Shanelle, para ipa-reserve ang Estancia Resort. Napagusapan din namin ang budget para sa decoration at ang division ng venue according sa theme ng event. Binigyan ko siya ng isang linggo para makipag coordinate kay Engr. Aaron Javier para i-present kay Victor ang blueprints.

Kasama din sa meeting ang Equipment Coordinator na pinapangunahan ni Anthony. Napagusapan namin ang inventory ng equipment na magagamit sa okasyon, pati na din ang mga dadating na photographer. After niya ma-kumpleto ang equipment at tao, makikipag-ugnayan sya kay Shanelle para sa magiging set-up.

Kinausap naman ni Victor ang Food Coordinator. Magkakaroon ng food testing para sa mapipili naming catering, bago iharap kay Shadha sa susunod na linggo. Pagkatapos nila magawa ang mga binigay kong task, si Victor na ang magpa-finalize at magaasikaso ng buong event.

Si Shanelle at Victor ang bahalang makipagusap sa mga performer na manggagaling pa sa Brazil. Ganon din ang bandang "Lucas Graham" na isang buwan na naming inaantay para sa appointment.

.....
Nagpa-book na ako pagkauwi ko sa bahay, para hindi hassle at nag hanap ng mga lugar na magandang puntahan. Balak ko kasi makapaggala after namin magpunta sa magiging location ng party. Bago ang araw na 'yon ay balak kong lumabas para bumili ng mga gamit na ka-kailanganin ko. Nakagawian ko na kasing i-ready ang lahat ng gagamitin bago dumating ang exact date.

"Hi ate! Nga pala may nakita akong pink dress sa wardrobe pwede ko bang hiramin? May lakad kasi kami ng mga kaibigan ko," sabi niya na may lambing na pagsasalita. Kaka-pasok niya lang sa silid ko habang nakatoon ako sa laptop.

"Sure," Yun na lang ang nasabi ko dahil busy ako sa pag search ng mga location sa pupuntahan namin, this week na kasi yun.

"Ate okay ka lang? Hindi nga ako gumagala eh! tapos papayag ka?"

"Exactly." "Huh? Ate ano ba?" "Hindi ka gumagala, kaya alam kong hindi ka gagala." Sawakas at may nahanap na ako siguro pwede na dito.

"Ate!" Nagulat ako at niyuyugyog ako ng kapatid ko hanggang sa mapatingin ako sa kanya. May hawak siyang bagay na nakabalot at naka-kahon na para bang isang regalo. "Happy-birthday Ate!"

At inabot sa'kin ang regalo na 'yon "Kanina pa kita kinukulit, hindi mo manlang ako matignan, pati ata birthday mo eh nakalimutan mo na. Ginawa ko na ngayon yan kasi alam kong magiging busy ka lalo," Pagmamaktol niya. Nang makalabas siya mula sa aking kwarto ay sinimulan ko na itong buksan.

Kaarawan ko pala ngayon, ngayong buwan na pala bakit hindi ko naalala? Ang bilis ng panahon mag-28 na pala ako this month.

Album. Puno ito ng larawan ng aming pamilya mula pagkabata, meron din nakalagay na petsa sa bawat larawan. Bukod sa Album, meron pa itong kasamang diary, kung saan sa unang pahina nakaguhit ang aking larawan. Hindi na nakapagtataka dahil isa ito sa talentong hinahangaan ko kay Bela, ang pag guhit.

Pinasalamatan ko siya pagkabalik niya sa kwarto ko na may dala pang icecream. Naisipan kong mag research kung saan maganda pumunta at tinanong ko ang opinion ng kapatid ko kung okay sa kanya. Hindi naman ako naghahanda ng magarbong party, mas gusto ko kasi na pamilya lang ang kasama kapag birthday ko, lalo't wala naman akong kaibigan na maiimbita. Kinabukasan naisipan kong lumabas kasama ang kapatid ko para na din makapag-bonding kami since wala siyang klase.

Ayala Mall Feliz

Tuwing may oras ako at walang pasok ang kapatid ko, isa ito sa bonding namin, ang shopping, since hindi siya mahilig lumabas kasama ang mga friends niya, dahil ako daw ang gusto niyang kasama how sweet.

𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒔𝒕 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒁𝒉𝒂𝒔𝒉𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒏 (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon