Pumunta kami ng kapatid ko sa Tagaytay upang tumuloy sa Rest house nila Tita Helena. Bukas ang pag-uwi nila dito sa Pilipinas. Ito ang dahilan ng pag-file ko ng leave, dahil minsan sa isang taon lang sila umuwi dito at gusto kong maglaan ng oras sa kanila.
Nakapag-paalam si Bela sa kanyang mga guro In fact, nakapag-pasa na siya ng mga assignment and project in advance. Attendance nalang ang kailangan niyang bawian pag-balik sa paaralan sa susunod na linggo.
Hindi ko na kailangan pang isipin ang kalinisan ng bahay dahil mayroong nagbabantay na katiwala dito. At hindi naman ako nag-kamali, dahil pag-kapasok namin sa loob naabutan ko pa silang naglilinis. Binati nila kami ni Bela at kinuha ang mga bagahe namin.
Ipinakilala ko si Bela sa kanila. Mga ilang minuto ay inaya nila kami sa isang hapunan na hinanda daw talaga nila para sa'min. Hindi naman kami tumanggi sa kanilang alok. Kasabay namin ang mga tauhan sa isang baryo na hindi kalayuan sa mismong bahay. Nandito ang lahat ng mga trabahador nila tita.
Ang bahay na ito ay may lawak na 2 Hectares kung isasama mo ang landscape mula sa gate. Mayroong tatlong palapag ang bahay, kung saan naka-locate sa 2nd floor ang guest room. Sa lawak ng lupain na ito ay naisipan nilang mag tanim ng pinya. Isa ito sa pangunahing sangkap sa kilalang alak na ginagawa nila at ibeni-benta sa ibang bansa.
Ang tita ko na si Helena ay isang Neurologist at kasalukuyan nagta-trabaho sa Finland. Mitikolosa ito at dapat lahat maayos at malinis kaya naman miski ang mga house keeper ay nag handa na. Ang tito ko naman na si Thimoty Alcates ang nakamana ng lupain na ito. Isang sikat na business man sa buong mundo. Ilan sa kanyang business ay produksyon ng alak, hotel, at mall. Ang pamilya niya ay kilala sa politika kaya marami din siyang koneksyon na nakatulong sa akin noon. Kapatid ni Papa si Tita Helena pero magkaibang-iba sila dahil si papa ay kuntento na sa probinsya, si Tita Helena naman ay mataas ang pangarap.
Pagkatapos ng aming hapunan ay bumalik na kami ni Bela sa bahay upang makapag-pahinga. Pagka-pasok ko sa sariling kwarto ay tinungo ko ang banyo upang isagawa ang daily routine ko bago matulog. Pagkalabas ay nakatanggap ako ng mensahe mula ka manang Felis.
/Ma'am Agatha, kasama ko na po si Celine dito sa bahay. Maraming salamat po sa pag-payag na dito siya tumuloy. Tuturuan ko po siya ng gawaing bahay, para kapag wala siyang pasok ay makatulong siya sa'kin. At para na din po mapalitan naman namin ang kabutihan niyo Mam/
Hindi ako sanay sa pasasalamat na galing sa iba maliban sa trabaho, nakakatuwa pala kapag may nagawa kang maganda sa iba. Bukod sa hindi ka nakapag-aksaya ng oras para i-judge ang iba, natulungan mo pa sila. Worth it talaga gumawa ng maganda.
...
Pagkatapos namin kumain ng almusal ay bumalik na sa kanya-kanyang gawain ang mga tao. "Sige pakilagay nalang diyan Soli. Oo ayan maganda! good job." Inaalalayan ko ang mga house keeper kung paano maaayos ang set-up ng bahay. Dumating na din ang mga Caters at Musicians. "Harold paki adjust nga dito yan. Sige konti pa, ayan."
Sa katunayan ay kami-kami lang naman ang nandito pero gusto ko maging perfect ang lahat, last year ay pina-renta ko ang Jesmale sikat na restaurant specialty nila ang mga skewers at italian food. Common lang ito para sa kanila simula ng makasama ko sila noon dito sa Manila,
Since ayos naman na ang lugar pwede ko ng ayusin ang sarili ko, kaya pumasok na ako sa kwarto para maligo. I'll make sure na wala na akong naiwan na trabaho bago mag-leave kaya naman kampante ako sa team ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakita kong nag-aantay na ang hairstylist at make-up artist ko, bihira ko lang sila papuntahin para ayusan ako, liban kapag importanteng okasyon.
"Ate, do I need to wear this? Okay naman na ako sa damit ko ee." Pagrereklamo niya sa isang dress na napili kong isuot niya, lumaki kami sa mga magulang namin at kinuha ako ni tita kaya alam ko ang pinagkaiba nila ni tatay. Kung sa probinsya ay okay na ang pantalon at t-shirt dito naman kailangan mong umastang dalaga. Katulad niya 'nong una ay nanibago din naman lalo't hindi rin ako mahilig sa mga mamahaling damit at kung anu-anong sinusuot na accessories.
BINABASA MO ANG
𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒔𝒕 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒁𝒉𝒂𝒔𝒉𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒏 (REVISING)
General FictionWhen Zhasha Marrin starts to used the 'Pastal Harrin' (A past life apparatus that had been created by the Kendstor Diamas Valēre Administration), another voice was heard from her head that will help to reveal the missing history. Let's find out the...