Chapter 1 - Important Client

280 57 78
                                    

Home

Pinagmamasdan ni Agatha ang kanyang sarili sa harapan ng salamin. Pakiramdam niya ay may nagbago sa kanyang itsura, ngunit hindi niya maipaliwanag kung ano ito. Natigil lamang ang kanyang malalim na pagmamasid sa sarili ng marinig niya ang pagkatok sa pintuan ng banyo.

"Beri matatagalan ka pa ba sa CR? May pasok pa ako, ano ba," pagiinarte ng kanyang kapatid.

"You forgot something Miss," she said, as she saw her sister.

"O-okay, okay Ate pwede ko na ba magamit ang CR, kasi po mala-late na ako?" Malumanay ngunit may mapang-asar na paggalang.

"Yes you can,"

Si Bela ang bunso niyang kapatid. Isang matalinong bata at maraming talento, kung kaya't kilala siya sa kanilang paaralan.

Madalas silang magtalo ng kanyang kapatid dahil sa pagkakaiba ng kanilang pag-uugali. Malaki ang pagmamahal ni Bela sa mga tao kaya madali siyang ma-attach sa tao, samantalang ang kanyang ate ay hindi mahilig kumonekta sa tao. Ma-ingat ito sa pagtitiwala dahil silang dalawa lang naman ang magkasama sa buhay, kaya tungkulin niyang pangalagaan si Bela.

Natapos ang kanilang usapan ng makatapos silang kumain. Naunang umalis ng bahay si Bela dahil maaga pa ang kanyang pasok, samantalng si Agatha ay sinimulang ihanda ang kanyang mga gagamitin sa meeting nila ng kanyang kliyente.


.....

"Yes, I already have a meeting with Ms. Shadha. We'll talk about that later. Yes I brought it, so she can choose. No worries, I know what I'm doing and it will be quick," kaka-park ko lang ng ibaba ko na ang tawag mula kay Victor, ka-partner ko sa business. Event Director ako at siya naman ang Program Coordinator sa 'Let's Celebrate' kung saan nagha-handle kami ng iba't ibang okasyon. Minsan ay ako ang humaharap sa mga kliyente namin, upang personal silang makilala. At dahil ni-request ako ng kliyente, ako na muna ang unang makikipag-usap sa kanila.

May meeting ako ngayong 2:00 PM with Ms. Shadha dito sa Tonkatsu. Kilala siyang tao, dahil naging 'Beauty Queen' siya noon at ngayon ay may pamilya na. Isa itong big event dahil kilala ang pamilya nila sa iba't ibang klase ng negosyo.

"Nice to see you Ms. Shadha!" Pambungad ko ng i-guide ako ng Crew papunta sa reservation table kung saan siya naka-upo. "Now, we're going to talk about your son's 28th birthday and I already prepared 10 choices," paliwanag ko sa kanya pagkaupo ko at agad in-open ang netbook for presentation.

"Take it easy Miss Agatha, hindi naman ako nag-antay ng matagal kaya hindi mo kailangan mag madali," nginitian ko siya kapalit ng mga ngiti niya. Pagkaraan ng ilang minuto "Oh! gusto ko 'to, pero sige I wanna see that all," dagdag niya habang nagii-scroll down at namimili sa theme ng party.

Of course, I gave my effort and best for that. Natagalan siya sa pagpili at halatang iniisip niya maigi kung ano sa tingin niya ang magugustuhan ng anak. Dalawang buwan na ang nakalipas ng matanggap ko ang mensahe mula sa kanyang assistant. Ang pagkakaalam ko maraming nagppresinta sa event na ito, yung iba ay hindi hamak na mas kilala pa kumpara sa'min. Mabuti nalang at ako ang ni-request nila tungkol dito. Hindi ito ang una naming pagkikita ni Shada, pero hindi ko din masasabing ganon niya ako kakilala.

1st Plan
- Karamihan sa lalaki ay hindi mahilig sa malalaking party, okay na sa kanila ang mga simpleng okasyon kasama ang barkada. So I decided to make it simple but enjoyable. Naka-locate ito sa Manila. Isang reservation place na may lawak na 1000sqm. Ang tema ay katulad sa bar. Iba't ibang klaseng ilaw at may iba't ibang inumin.

2nd Plan
- Naka-locate naman ito sa resort na nakareserve. Imbes na typical cottage, isa itong couch kung saan may iba't ibang size. Pang group o pang lover. Meron din mga room na nasa tree house sa pag-stay nila. Katulad ng unang plan, may mga klase ng branded na alak na nakalagay sa bawat room. Since isa itong resort at malapit sa dagat, ang mga pagkain ay seafood.

3rd plan
- Ang location naman nito ay sa bahay nila gaganapin. Buong paligid ay liliwanag dahil sa mga spotlight. Napapaligiran din ng mga bulaklak ang mga alak sa bawat table. Meron din pub table and bistro set para sa mga kaibigan niya na mas komportable tumayo.

4th Plan
- Sa isang beach resort naman ang location. Hawaiian ang tema at pagkain. May mga crew kung saan iikot para magserve ng iba't ibang pagkain. Meron din set ng body shot sa bawat group. Meron din mini stage sa gitna kung saan magpe-perform ang napili nilang banda.

5th Plan
- Classy ang tema. Maganda ito sa mga business opportunity since kilala din ang Birthday Celebrant sa business industry. At his young age, his father let him handle one of their business. May mga klase ng alak galing sa collection ng isa sa partner nila at ang iba ay galing sa mga colletion ni Ms. Shada na ipinamana ng kanilang Ancestor.

6th plan
- Reunion naman ang tema, kung saan mga malalapit na kamag-anak lang ang invited. Sa yate ito gaganapin. Sa isang malaking room kung saan may buffet na asian food ang ise-serve. Meron ding Orchestra kung saan tutugtog ng mga sikat na piece. Meron ding Emcee kung saan magle-lead ng party. Mga Dance Entertainer na sasabay sa tugtog, na parang isang Theater.

7th Plan
- Katulad ng 1st plan simple din ito. May alak, at iba't ibang palaro. Meron din biding, katuwaan kumbaga. Kung saan nakasentro sa Birthday Celebrant, isa ito sa programa.

Napahinto siya sa pagtingin sa monitor at tumingin sakin, nagsimula siyang magsalita. "Actually pinapunta ko dito si Royce para siya na din ang makapili ng gusto niya," dagdag niya at mga ilang minuto ay dumating na nga ang anak niya at nagpakilala ako dito.

"Those are her samples, check it if you like something sweety," Pahayag niya sa kanyang anak.

Mga ilang minuto na pagsusuri "Well, maganda mommy," nakumbinsi niya naman ang ina sa napiling tema "gusto ko 'tong idea na 'to pati yung location, ano naman yung mga balak mong ilagay?" Tanong niya sa"kin, at in-open ko naman ang isa pang file kung saan nakalagay lahat ng impormasyon doon sa napili niyang tema.

Eto ang pang 9th plan.
- For business opportunity ito na dadaluhan ng iba't ibang Corporation Representative. Naka locate ito sa Estancia Resort sa tagaytay, invited din ang mga kaibigan o relatives ng Celebrant. Meron din division para sa entertainment kung saan binuo ng mga iba't ibang klase ng sayaw at mula pa sa Brazil. Part din ng program ang pag dalo ng kilalang banda na Lucas Graham. May buffet din ito kung saan ise-serve ang starter sa bawat table ng mga Crew. Ang mga alak ay nakalagay sa isang table, kung saan pwedeng i-request ng guest na i-serve sa kanilang table. Meron ding body shot at 12 shots, kung saan may isang set ng baso para sa isang table. Meron ding mix beverages na ginagawa ng Bar Tender. Sa lawak ng area meron din mga couch na pwedeng pagpahingahan at room.

"Well I'm impress Mom, mukhang wala naman akong kailangan pang idagdag, sakto na lahat ng naisip niya," Natutuwa pa itong nakatitig sa'kin.

"Gusto ko nalang makita ang location para ma-imagine lahat ng 'yan. Masasamahan mo naman ako diba?" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga tinginan niya, but it reminds me of someone.

Nginitian ko siya. Nagbigay siya ng date kung kailan siya available. Balita ko ay busy siya ngayon sa pagaasikaso ng isa sa kanilang business, kaya naman naging masaya ako ng isingit niya ako sa schedule niya.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Hi thanks for reading! If you like the story of "What Happened", please VOTE and share it to your friends.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒔𝒕 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒁𝒉𝒂𝒔𝒉𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒏 (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon