Office
Kasalukuyan akong naglalakad papasok sa aking opisina ng humarang si Victor na may hawak na kape, inabot niya sa'kin ang isa. "Thanks!"
"Good morning girl! Anong balita? Na-close mo na ba ang deal sa ka-meeting mo kahapon?" Sinabayan niya ako sa paglalakad, hanggang sa ma-upo ako at buksan ang desktop computer.
Hindi ko hilig makipag-usap sa aking mga katrabaho, maliban kung patungkol sa trabaho at kapag may iuutos ako. Iba si Victor, dahil kahit ipakita ko sa lahat ang pagka-iritable ko sa mga taong maiingay, patuloy lang siya sa pagsasalita ng gusto nyang sabihin, hanggang sa nakasanayan ko nalang na palagi siyang bumubuntot sa'kin kapag nasa opisina.
"Ako pa ba." Pagyayabang ko sa kanya habang tinitignan ang mga schedule ng staff ko this week. Tinanggap ko ang limang clients na nag-message sa page namin kagabi.
7th Birthday, Reunion, Exhibit, Diamond Anniversary at Wedding Proposal.
"Nga pala ma'am tuloy ba tayo mamaya?" Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang pagka-excite at galak sa bagay na kanyang itinatanong.
"Oo, ikaw na ang bahalang makipagusap sa kanila. Alamin mo kung sino makakasama sa'tin."
"Okay! Thank you Ms. Agatha. Grabe nae-excite talaga ako, I'm sure matutuwa sila mamaya dahil sa libre mo. Malabo siguro silang humindi noh and besides deserve din nating magpahinga."
"Tama ka Vic, kaya lumabas kana sa opisina ko at sabihan sila. Huwag ka ng mag-aksaya ng oras magkwento, dahil wala akong paki," malumanay kong pag sagot.
Inirapan niya ako at nagpaalam. Natawa nalang ako dahil sa kanyang attitude. Wala lang sa'min ang ganitong usapan dahil matagal na kaming magkakilala.
Makalipas ang ilang oras, tinawag ko si Shela gamit ang alarm button sa gilid ng aking desk. Ini-abot ko sa kanya ang details ng mga bagong client na tinanggap ko. Magkakaroon ng meeting upang mapagusapan kung kani-kanino mapupunta ang project.
.....
KTVNauna ng pumunta dito ang mga katrabaho namin ni Victor, sumunod nalang kami dahil may inasikaso pa kami patungkol sa schedule ng mga kliyente. Pagka-pasok sa VIP room, nakita ko ang page-enjoy nila. Nagsimula na ang kantahan pati ang iba ay nagk-kwentuhan.
"Ma'am, Sir!" Pagbati nila sa'min ni Victor. "Mga gaga! Hindi ako Sir," pataas na boses na tugon niya. Nagtawanan naman ang lahat.
Lalaki din kasi ang tipo ni Victor, kaya siguro magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Feeling ko safe ako, dahil ayoko sa mga lalaki. Naghiwalay kami ng landas ni Victor, pumunta siya sa ibang empleyado samantalang kinausap ko naman ang crew na katabi ko upang magdala ng alak sa loob.
"Oh um-order na kayo libre ni Ma'am Agatha!" Panghihingkayat ni Victor sa kanila. Lumabas muna ako sandali para mag-yosi. Ewan ko ba, minsan ayoko ng maingay, minsan naman okay lang.
Sa paglalakad nakakita ako ng couple na nagu-usap sa tapat ng isang VIP room. Nagtatawanan sila at nagtitigan, nakasandal ang babae habang kinukulong siya ng mga braso ng lalaki. Napa-irap nalang ako sa eksenang nasaksihan. Para sa'kin ang corny ng mga ganitong eksena, para kasi silang tanga na nagtatawanan ng wala namang dahilan.
Sa pag-ihip ng sigarilyo, naalala ko ang mga panahon na nagsisimula palang ako pagkatapos kong umalis sa business ni tita para mag tayo ng sarili. Nakilala ko si Victor noon bilang Manager ng isang pausbong na artista. Part time job niya ang pagaasikaso ng mga event, kaya nagkakilala kami.
Dalawa kaming pinili ng kliyente noon para sa isang event, nung una hindi ako sangayon sa ganoong ideya dahil sanay akong mag-isa, pero nakita ko din ang kakayahan niya. Magaling siya makisalamuha sa mga tao, kuhang-kuha niya ang mga ugali ng kliyente kahit na ubod ng sungit.
BINABASA MO ANG
𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒔𝒕 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒁𝒉𝒂𝒔𝒉𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒏 (REVISING)
Ficción GeneralWhen Zhasha Marrin starts to used the 'Pastal Harrin' (A past life apparatus that had been created by the Kendstor Diamas Valēre Administration), another voice was heard from her head that will help to reveal the missing history. Let's find out the...