Chapter 10 - The gift

94 41 0
                                    

Three days kami nag-stay dito at nagsimulang mag-gala sa maraming lugar. Bumalik sila tita at tito sa resthouse upang asikasuhin ang mga businesses nila dito. Mayroon silang mga staff na nag-aasikaso ng mga iyon, minsan napapag-utusan din ako upang i-check ang finacial statement na ibinigay ng accounting staff nila. Si Faye ang madalas na umuuwi dito sa Pilipinas para sa mga ganoong bagay, ngunit wala kaming pagkakataon na magkasama dahil doon.

Na-enjoy namin ang paggagala namin magpipinsan sa Cavite. Sa mga Historical Heritage at farm na open para sa mga turista. Sa paggagala, hindi maiwasan ni Bela na mamangha sa lugar, palagi niyang binabanggit ang mga lugar na natuklasan niya sa panonood sa internet pati na ang mga nababasa niya na research sa school. Kada destinasyon, nagbibigay si Bela ng mga explanation patungkol sa mga lugar, kahit na ito palang ang unang beses niyang makapunta dito.

Gabi na ng makauwi kami. Naisipan ni Faye na magluto ng isa sa sikat na pagkain sa Finland, kaya naman pag-uwi ay nagtungo kami sa kitchen para ilatag ang mga pagkain na napamili kanina. Nagsimulang maggisa si Faye ng giniling na baka na hinaluan ng kanin at pagkatapos ay nilagay sa dough. "Ang tawag dito ay Lihapiirakka or meat pie," sabi ni Faye. "How ate! marunong ka pala magluto?" tanong sa kanya ni Bela na ikinatawa lang niya. Bukot sa meat pie ay gumawa din siya ng Lohikeitto or salmon soup.

 Bukot sa meat pie ay gumawa din siya ng Lohikeitto or salmon soup

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lihapiirakka

Lihapiirakka

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lohikeitto


Pagkatapos mag-dinner, mag swimming ay napagkasunduan namin na matulog. Lumipat si Faye at Bela sa kabilang kwarto kung saan unang tumuloy sila tito, kaya naman naiwan akong mag-isa sa kwarto. Nagawa ko pang makipag-usap kay Victor patungkol sa office gamit ang telepono ni Royce. Hindi ko pa nga pala naisasauli ang cellphone niya. Kahit na ibinigay niya na ito sa'kin, hindi ko pa din magawang dumipende lalo sa kanya.


... 

Nagising ako dahil sa maraming katok na nadinig ko mula sa pintuan ng kwarto ko, 5:00 AM palang sino naman kaya ito? Pagbukas ng pintuan ay nagising ako sa pamamagitan ng confetti. Ang kapatid ko na may hawak ng lobo at si Feya ang pinsan ko na may hawak ng cake. Si tito na nagsabog ng confetti at ang tita ko na unang bumati sakin "Happy Birthday." Ang bilis ng panahon 28 years old na pala ako ngayon, masaya ako sa nagawang pagbati nila kahit na expected ko na naman dahil palagi naman ganun ang pag bati nila sakin. Eto din ang dahilan kung bakit sila umuuwi, dahil birthday ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝑻𝒉𝒆 𝒍𝒐𝒔𝒕 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒁𝒉𝒂𝒔𝒉𝒂 𝑴𝒂𝒓𝒓𝒊𝒏 (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon