Ano na ang susunod na kabanata
Ano na ang magiging laman ng mga pahina
Gayung sa akin ay wala ka na
At ang lumipas ay di na maibabalik paNoong tayo'y nagkakasama pa
Sa akin ay di mawari ang saya
Sa tuwing nakakausap ka
Ligaya'y walang makapintaNgunit dumating na nga ang panahon
Ang mga dahon ng punong noon ay mayabong
Isa-isang natuyo at nahulog
At hindi na madidiligan pa maging ng pagkakataonBakit nga ba ika'y lumayo
Aking nagawa'y hindi matanto
Kung maibabalik ang oras at ang dating tayo
Ang panahon at pagtakbo ng minuto ay hihilinging huminto
BINABASA MO ANG
Kasaysayan ng Plumang Madilim ang Nakaraan
PoetrySamahan ninyo akong balikan Aking iba't ibang karanasan Na isinasaysay sa pamamagitan Ng pluma at papel bilang sandigan Pundasyon sa mga tugmaan ang karanasang kailanma'y di malimutan Humubog at sumukat ng aking katatagan Halina at sabay-sabay buksa...