Ako sa iyo ay may pakiusap
Pakiusap na tayo nawa ay mag-usap
Mag-usap upang tuluyan nang maipagtapat
Maipagtapat sa'yo ang tunay na sigawSigaw ng pusong ikaw lamang ang pintig
Pintig na di mawari kung kailan nabatid
Nabatid na hindi lamang pala isang tila kapatid
Kapatid ang turing subalit isa nang hindi na mapatidMapatid na pagtingin ng tulad ko sa'yo
Sa'yo na hindi lamang napapansin ako
Ako na laging nasa tabi mo
Nasa tabi mo sa tuwing kailangan mo akoAko na handang gawin ang lahat
Lahat ng bagay dahil sa pagmamahal
Pagmamahal na kahit minsa'y hindi mo pinaglaanan
Pinaglaanan ng pansin at di pinaniwalaanPinaniwalaang nadarama ko ay totoo
Totoo ang sinasabi ko at hindi nagbibiro
"Nagbibiro ka lamang hindi ba", ang tugon mo
Ang tugon mo nang minsang umamin akoUmamin na nga ako ngunit hindi mo sineryoso
Hindi mo sineryoso ang bawat sinabi ko
Sinabi ko na ang tunay at nadarama ko
Nadarama kong hindi ko na mamababagoMababago ko pa ba ang iyong mga winika
Winika sa akin na may mahal kang iba
Iba ang aking inasahan na magiging bunga
Bunga ng pagtatapat ako'y magiging maligayaMaligaya ay hindi angkop na salita
Salitang magbubuo sa aking pusong nasaktan
Nasaktan nang iyong biglang tinalikuran
Tinalikuran ako dahil tanggap na ang katotohananAng katotohanang hindi mo ako kayang ibigin
Ibigin nang tulad ng gaya nitong akin
Akin pa bang maibabalik
Maibabalik ang ating pagkakaibigang nawaglitNawaglit sa iyo nang tuluyan
Tuluyan nang nawala ang dating samahan
Samahan ako ngayon dahil ako'y may panawagan
Panawagang ako sa iyo ay may pakiusap
BINABASA MO ANG
Kasaysayan ng Plumang Madilim ang Nakaraan
PoésieSamahan ninyo akong balikan Aking iba't ibang karanasan Na isinasaysay sa pamamagitan Ng pluma at papel bilang sandigan Pundasyon sa mga tugmaan ang karanasang kailanma'y di malimutan Humubog at sumukat ng aking katatagan Halina at sabay-sabay buksa...