Bahagi na ng aking kasaysayan
Na hindi na kailanman malilimutan
Ang sa iyo ay mapamahal
At iyong pangalan di malimutanNais mang sa isip ay iwaglit
Hilingin mang ika'y di na muling sumagi sa isip
Hindi mapigil pagkat ikaw ang sigaw ng dibdib
Hindi ka mawala maging sa aking mga panaginipSa tuwing nais humakbang papalayo
Ay di maiwasang sa iyo ay lumapit nang patakbo
Ngunit hindi na nga mababago
Ang pag-ikot ng ating mundoNgayong nag-iisa ako
Habang inaalala ang kahapon
Luha'y di napigil sa pagbuhos
Nang mabatid na kailanman ay walang tayo
At ang tanging mayroon lamang ay ikaw at ako
BINABASA MO ANG
Kasaysayan ng Plumang Madilim ang Nakaraan
PoetrySamahan ninyo akong balikan Aking iba't ibang karanasan Na isinasaysay sa pamamagitan Ng pluma at papel bilang sandigan Pundasyon sa mga tugmaan ang karanasang kailanma'y di malimutan Humubog at sumukat ng aking katatagan Halina at sabay-sabay buksa...