Sa magandang lugar ika'y nakilala ko
Na kung ating ituring ay isang paraiso
Sa kabila ng napakaraming taong naroon
Pero ako ay pa lamang sa iyo ay estrangheroNoon ay nais kitang lubusang makilala
Subalit hindi inadya ng tadhana
Sinubukang ikaw ay Makausap
Ngunit tinig ng hangin ang sa aki'y itinapatMuling humanap ng pagkakataon
Umasang ang araw na iyon ay ngayon
Ika'y nakatabi nang isang hapon
Subalit naulit ang iyong hindi pagtugonNagdaan pa ang ilang araw na tayo'y magkasama
Sa iisang paraiso subalit ni hindi nagkita
Hanggang sa dumating ang araw na
Tayo'y kailangang maghiwalay naHindi roon tumigil ang aking pagsubok
Na ika'y makausap kaya't ika'y hinanap
Sa isang paraan na maituturing na moderno
At ikaw nga ay natagpuan at muling kinausapNgayon tayo'y madalas nang magpalitan
Ng salita at iba't ibang usapan
Pangarap na ika'y aking makilala
Ngayo'y natupad na at ikaw na ay aking kaibigan
BINABASA MO ANG
Kasaysayan ng Plumang Madilim ang Nakaraan
PoetrySamahan ninyo akong balikan Aking iba't ibang karanasan Na isinasaysay sa pamamagitan Ng pluma at papel bilang sandigan Pundasyon sa mga tugmaan ang karanasang kailanma'y di malimutan Humubog at sumukat ng aking katatagan Halina at sabay-sabay buksa...