Ang makilala ka nang hindi inaasahanRelo ng panahon, huminto nang biglaanIlang salita lamang ang iyong binitawanAgad nakabuo ng mga taludturanSumulat ang plumang matagal nang nakatuluganSa ganitong paraan nagpapabatid ng damdaminAng tanging payak na tugmaang ipinahahatid sa hanginMagiging daan upang sa Iyo makaratingAsahang ika'y hindi na muling guguluhinNgayong magwawakas na ito sa mga susunod na linyaTanging nais lamang ng tugma ay marating kaHanggang sa pagkakataong muling pagtagpuin ng tadhanaAking isisigaw ang laman ng isip sa mga tala
BINABASA MO ANG
Kasaysayan ng Plumang Madilim ang Nakaraan
PuisiSamahan ninyo akong balikan Aking iba't ibang karanasan Na isinasaysay sa pamamagitan Ng pluma at papel bilang sandigan Pundasyon sa mga tugmaan ang karanasang kailanma'y di malimutan Humubog at sumukat ng aking katatagan Halina at sabay-sabay buksa...