Una pa lamang ay tinanong ko na
Ang aking sarili bakit ikaw
Bakit hindi siya o isa sa kanila
Bakit sa babaeng hindi ko pa lubos na kilalaMatagal ko nang hinahanap ang mga kasagutan
Sa mga katanungan sa aking isipan
Subalit kahit isa'y walang natagpuan
Tanging nakita lamang ay iyong pangalanPangalan na walang oras na di sumagi
Sa isip ko buong umaga hanggang gabi
Maging pagtakbo ng oras ay hindi na mawari
Sapagkat ikaw lamang iniisip sa bawat sandaliSandali lamang sapagkat alam ko
Hindi ako ang tao na iyyong gusto
Huwag ka mag-alala ayos lamang na sabihin ang totoo
Huwag alalahanin ang madarama koAng madarama ko ay hindi na bago
Makailang ulit na akong umaasa nang ganito
Bigyan lamang ako ng pagkakataong maipadama sa iyo
Pagmamahal na handang ialay ko
BINABASA MO ANG
Kasaysayan ng Plumang Madilim ang Nakaraan
PoesiaSamahan ninyo akong balikan Aking iba't ibang karanasan Na isinasaysay sa pamamagitan Ng pluma at papel bilang sandigan Pundasyon sa mga tugmaan ang karanasang kailanma'y di malimutan Humubog at sumukat ng aking katatagan Halina at sabay-sabay buksa...