Hindi na nga ba talaga
Maaaring ipagpatuloy pa
Ang samahan nating dalawa
Kahit sa pagkakaibigan na lamang mapuntaHindi na ba maibabalik
Ang nakaraan kahit saglit
Upang maghilom kahit kaunti
Ang nadaramang labis na sakitKailan ba makasusumpong
Ng mga sagot sa matagal nang tanong
Mananatili na lamang ba itong bulong
Sa hangin na hindi kayang tumugon
BINABASA MO ANG
Kasaysayan ng Plumang Madilim ang Nakaraan
PoetrySamahan ninyo akong balikan Aking iba't ibang karanasan Na isinasaysay sa pamamagitan Ng pluma at papel bilang sandigan Pundasyon sa mga tugmaan ang karanasang kailanma'y di malimutan Humubog at sumukat ng aking katatagan Halina at sabay-sabay buksa...