Sa gitna ng kawalan hinahanap mga kasagutan
Kasagutan sa mga biglaang katanungan
Katanungan na gumugulo sa aking isipan
Isipan na hindi ngayon mapalagay at maintindihan
Maintindihan kung tama nga lamang ba
Tama nga lamang ba na muling sinabi sa kanya
Ang aking nadarama na hindi kaya
Hindi kayang maitago nang matagal
Matagal nang nawala subalit nagbalik
Nagbalik mula nang may isang tulang bumalik
Bumalik muli ang dating pintig
Pintig ng pusong walang iba kung hindi ikaw
Ikaw ang siyang sinisigaw
Sinisigaw at hinahanap sa gitna ng kawalan
BINABASA MO ANG
Kasaysayan ng Plumang Madilim ang Nakaraan
PoetrySamahan ninyo akong balikan Aking iba't ibang karanasan Na isinasaysay sa pamamagitan Ng pluma at papel bilang sandigan Pundasyon sa mga tugmaan ang karanasang kailanma'y di malimutan Humubog at sumukat ng aking katatagan Halina at sabay-sabay buksa...