DG PART V

1.8K 85 4
                                    

IKALIMA: MALAKAS MAG-INOM

CHARLIE THEO

"Baba na!" sabi niya nang tumigil kami sa harap ng isang mumurahing karaoke bar na pinuntahan na niya before. Dito ko siya sinundan, e.

"Ang cheap ng lugar na 'yan, sa totoo lang," reklamo ko sa kanya at napakamot nalang siya sa ulo niya.

"Ang arte mo. Saan mo ba gusto?" wika niya at naisip ko na dito na lang kami dahil ayoko namang mag-inarte pa lalo sa harap niya.

"Nagbibiro langa ko. Pumasok na tayo sa loob." Saad ko at sabay kaming naglakad papasok. Gaya ng nakasakayan, kinapkapan kami ng dalawang patapating bouncer at dumiretso kami sa isang bilog na lamesa sa dakong kanan padulo ng bar.

Um-order na kami agad sa waiter ng isang bucket ng beer at pulutan na agad naman naming ininom. Medyo malakas din naman akong mag-inom kaya mapapalaban ang isang 'to sa'kin ng inuman.

"Kailan mo pa ako gusto?" medyo pasigaw niyang tanong dahil maingay ang paligid namin.

"Two months na." I told him at sinabi ko rin na narinig ko silang nagtatalo sa cr noon bago palang kami pumusok ng kaklase ko kaya naisipan ko silang sundan sa itaas ng rooftop na madalas paggaganapan ng mga away ng bitches at mga basag-ulong gaya niya.

"Stalker kita, gano'n?" tanong niya pa.

"Somehow." Ako naman ang sumagot.

"Ano namang nagustuhan mo sa'kin bukod sa pagiging gwapo ko?" dagdag na tanong pa niya na tila ba nagsi-seek talaga na makakuha sa akin ng honest na sagot.

"Mga kagaguhan mo," malakas ang boses ko nang sabihin ko iyon at itinaas niya ang hawak niyang baso at nagtama ang aming mga baso't sabay kaming tumungga ng malamig na cerveza.

"Ako, bakit mo ako hinahayaang lumapit sa buhay mo?" curios na tanong ko sa kanya.

"Hindi ko rin alam, e. Basta ang alam ko gusto ko 'yang pagiging gago mo rin. Lakas mang-good time, e." sagot niya pa at ako naman ay napangiti lang.

Ilang oras pa ang lumipas ay nakaubos na kami ng dalawang bucket ng beer. May hindi lang inaasahan na pangyayari na ikinainis ko.

"Boys, may kasama ba kayo rito sa table?" tanong ng isang babae na may kasama pang isang babae. Parehas silang maganda pero wala akong pakialam. I don't give a fuck!

"Wala pero hindi kami interesado!" pambabara ko sa kanila at mukang hindi sila natinag. Basta talaga gwapo, hinahabol ng mga babae, e. TANG INA NILA!

"Sungit naman pero gwapo ka kaya okay lang. Sige dito na kami uupo, wala na rin kasing bakanteng lamesa.." sagot pa niya habang nakatingin kay Ian na nakatingin lang sa akin.

"Sige, girls... dito na kayo maupo." Ikinainis kong sagot ni Ian.

Wala na rin akong nagawa kundi ang sumakay sa agos at hindi ko sila kinakausap. Wala akong pakialam sa kanila. Mag shit silang dalawa.

Ilang bote na ang naiinom nila at kumpara sa amin ay mukang mahihina silang uminom.

"So, kanina pa pala kayo rito?" tanong sa akin noong isang babae at tumango lang ako pero nagulat ako nang kumandong siya sa akin at hinalikan ako. Ilang segundo lang 'yon pero naiirita ako lalo kaya dumiretso ako sa comfort room para umihi.

Gross!

Pagbalik ko sa mesa ay kapwa nakasubsob na sa lamesa ang dalawang babae. Ang hihina!

Kitang kita ko si Ian na nakatingin sa akin dahil nahihilo na rin ako kaya nagulat ako nang alalayan niya ako papunta sa kinalalagyan niya.

Ilang minuto pa akong uminom ng uminom kasabay niya hanggang sa bumigat na ang sikmura ko at nanlalabo na rin ang aking mg mata.

"Kala mo kasi mapapataob ako..." sabi niya habang inaakay ako.

"Kaya ko pa!" sabi ko dahil kaya ko pa naman talaga.

"Kaya pa pero nakapikit na?" sabi niya at iminulat ko ang mata ko pero umiikot na talaga ang sikmura ko kaya bumuhos ang suka na kanina ko pa hino-hold.

Sagana ang sukang lumalabas sa bibig ko at napapaupo na ako habang siya naman ay hinahaplos ang likod ko.

"Kahit lasing ako, gusto pa rin kita tsaka ang lakas mong mag-inom!" pinilit kong sabihin ng tuwid at medyo hindi ko na alam ang mga nangyari after kong bumigay.

To be continued...

DREAM GUY (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon