DG PART XV

1.3K 73 6
                                    

IKALABING LIMA: RASON

CHARLIE

             Napakaraming mga bagay ang pumasok sa aking isipan lalo na't napagtanto kong wala akong ipinagkaiba kay Ian. Manloloko rin ako dahil pumayag akong magka-boyfriend na pangalawa. Ni hindi ko man lang siya tinanong kung niloloko niya ba ako. 'Di ba dapat naging malawak ang isipin ko? Pero anong magagawa ko, 'di niya agad sinabi na may balak pala siyang gaguhin ako.

Tsaka ano bang iniisip ko? Gago si Ian at malinaw na sa akin na niloloko niya ako at ang lokohin siya ay magandang solusyon.

"Okay ka lang ba, Charlie?" Tanong sa akin ni Marla na busy sa pagsasalita pero wala naman akong naintindihan sa mga sinasabi niya.

"Ano nga uli 'yon? Pwede bang 'wag mo muna akong kulitin? Medyo naguguluhan ako sa napakaraming bagay." At hindi na siya nangulit at halatang worried siya sa ganap ng buhay ko. Kahit naman kasi lagi kong tinatarayan si Marla ay alam kong kaibigan ko na rin siya at kaibigan din ang tingin niya sa akin.

"Kung ano man 'yan, friend, alam kong kaya mo 'yan. Besides, ikaw si Charlie na palaban." Aniya at napangiti nalang ako ng pilit.

How are you, mahal? I miss you!
Iyan ang text na galing kay Ian.

Dalawang araw ko na kasi na hindi ko siya kinakausap at lagi akong umiiwas sa kanya. Ayoko kasing maging marupok sa harapan niya dahil baka lalong lumaki ang ulo niya na isiping kayankayanan niya lang akong lokohin. Well, hindi ko kayang i-boost ang ego niya dahil mayroon din ako no'n. He have me, but not wholeheartedly.

Gusto ko sanang mag-reply pero hindi ko ginawa dahil ayokong isipin niyang okay kami. I knew what he is doing. Hindi ako tanga.

Gustong-gusto ko siya pero hindi niya pwedeng isipin na kanyang-kanya ako. Marunong akong magtira ng pagmamahal sa sarili ko. Pero kahit na i-ignore ko pa siya ng ilang beses, nandoon pa rin ang kirot dahil mahal ko siya at gusto kong lambingin niya ako.

Nasa ganoong pag-iisip ako nang may yumakap sa akin mula sa likod. Kilalang-kilala ko ang kanyang amoy at hind ko maiwasang panghinaan ng tuhod lalo na ng harapin ko siya.

Malaki ang ngiti niya at konting konti na lang ay magkakalapat na ang labi namin. Pero imbes na ngitian ko siya pabalik ay binigyan ko siya ng blangkong ekspresyon.

"I missy you, mahal ko!" Sabi pa niya pero hindi ako kumibo. Aaminin ko na ang sarap sa puso ng sinabi niya kaso hindi ko maialis sa isip ko ang panloloko niya sa akin.

Napaisip tuloy ako na hindi nga pala ako babae kaya hindi siya nakukuntento sa akin.

"Uy, bakit sad 'tong kaibigan mo? May problema ba siya?" Tanong niya kay Marla na umiling lang.

"Friend, papa Ian, una na muna ako sa inyo. May naiwan akong uniform sa locker ko, e. Kunin ko muna. Babush!" Ani Marla at nagmadaling umalis sa harap namin.

***

"Get out of my sight!" Sabi ko kay Ian nang dalin niya ako sa rooftop kung saan ko siya nakilala ng personal.

"Bakit? May problema ba tayo?" Maang-maangan niyang tanong sa akin. Kung hindi ko sana nakitang nakikipaglandian siya sa iba ay kikiligin ako ng sobra sa ginagawa niya.

"Wala ako sa mood kausapin ka, manloloko!" Mahinahon ngunit may bigat kong tugon sa kanya. Maging ako sa nakakaramdam ng sakit sa mga sinabi kong mga salita.

Hindi siya nakasagot at nakita ko sa muka niya ang pagkabigla.

"Magpapaliwanag ako." Aniya at nagkatinginan kami ng mata sa mata. Ayokong isiping hindi siya sincere  pero nagsasalita ang mga mata niya ng may sinseridad.

"Magsalita ka na, Ian. H'wag kang magsisinungaling sa'kin." Kontrolado ko pa rin ang boses ko dahil ayokong magmukang mahina sa harap niya.

Siya 'tong nanggago kaya dapat na mag-ayos siya ng sasabihin niya.

"Hindi ko na dapat sasabihin sa'yo 'to pero nasangkot ako sa pakikipagbasag-ulo noong nakaraang buwan at gusto nilang bugbugin ka kaya para hindi ka nila galawin pa, pumayag na ako sa delan nila na makipag-date kasama si Jack. Hindi ko naman alam na makikita mo kami at sorry. Ikaw lang ang nagmamahal sa akin ng ganito bukod kay mama kaya, please..patawarin mo ako." Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na't nakayakap na siya sa akin.

Parang bigla lumambot ang puso ko sa sinabi niya. Pinoprotektahan niya pala ako all the time. I feel so bad sa ginawa ko. Pero kailangan ko pa rin ng assurance kaya kailangan ko siyang protektahan din gamit ang mainit kong yakap.

"I'm sorry, Mahal. Hindi ko agad sinabi ang lahat ng ito sa'yo.." aniya at mabilis ang ginawa kong halik sa kanya para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa, nandito ako para kanya.

Wala na, napakarupok ko.

To be continued...

DREAM GUY (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon