DG PART XIII

1.4K 64 5
                                    

IKALABING TATLO: HALIK


CHARLIE


"Anong alak 'yan?" tanong ko kay Charles na ngayon ay nakaupo sa tabi ko. Nasa kwarto kami ng bahay nila at sakto namang wala ang mama niya. Simple lang ang bahay nila kaya natutuwa akong makapunta rito.

"Empirador." Aniya sabay tagay sa akin ng isa gamit ang maliit na tagayan.

"Ang pait, puta!" sabi ko sabay inom ng kaunting tubig.

"Ganyan talaga ang lasa niyan kaya sanayin mo na ang sarili mo. Tsaka may tubig at pulutan naman tayo." Paliwanag niya kaya naman hindi na ako nagreklamo pa.

Iniikot ko ang mata ko sa paligid ng kwarto niya at masasabi kong mahilig siya sa music dahil may nakasabit na gitara sa likod ng pintuan ng kwarto niya at may mga poster din siya ng LANY at ng ilang mga datihan na ring banda.

"Mahilig ka sa music, no?" hindi ko na napigilang itanong sa kanya dahil obvious naman 'yon pero I need to make it clear.

"Yes. Ikaw ba?" sagot niya at tinanong naman niya ako pabalik.

"Secretly, kumakanta ako tapos marunong din akong tumugtog ng guitar," ang nahihiya kong sagot pero totoo 'yon lahat.

"S-sige, sama ka sa band namin minsan, Jam tayo." sabi niya at natuwa naman ako sa isip ko sa sinabi niya.

"Alam mo bang ngayon lang may nakapasok na ibang tao sa kwarto ko bukod kay Mama?" Out of nowhere niyang tanong.

"Bakit naman? Loner ka siguro..." eksena ko naman.

"Hindi ko lang talaga gustong may pumapasok na ibang tao rito sa kwarto ko. Hindi ako comfortable." Sabi niya sabay tagay sa basong ginagamit namin pareho sa pagtagay. Quite new sa akin pero it feels good naman din at the same time.

"Sabihin mo lang sa akin kapag hindi mo na kaya, ha? Baka mamaya isipin mo pang may masama akong balak sa'yo. Eh, ikaw 'tong mukang may balak sa'kin, e." Aniya at agad ko siyang hinampas sa balikat.

"Anong sinasabi mo d'yang balak balak? Ano 'to, 'basta may alak may balak session'?" natatawa kong tanong sa kanya at sabay lang kaming natawa sa ideya kong 'yon.

Mayamaya lang ay kinuha niya ang gitara na nakasabit sa likod ng pinto at iniabot sa akin.

"Play for me." Mungkahi niya at kahit medyo nahihilo ako ay tinipa ko ang kantang Nobela na paborito ko.

"Ngumiti kahit na napipilitan, kahit pa sinasadya mo akong masaktan paminsan-minsan. Bawat sandali na lang. Tulad mo akong nahihirapan, lalo't naiisip ka. 'Di ko na kaya pa na kalimutan, bawat sandali na lang..." Hindi ko alam kung tama pa ba ang key na ginagamit ko pero alam ko sa sarili kong damang dama ko ang bawat liriko at tonong nililikha ko.

"At aalis magbabalik at uuliting sabihin na mahalin ka't sambitin kahit muling masaktan. Sa pag-alis ako'y magbabalik at sana naman..." sumabay na siya sa akin sa pagkanta at natuwa ako sa pagbe-blend niya ng boses niya sa boses ko. Hindi in-expect na may ganoon siyang boses na napakalambing.

"Swabe, 'di ba?" Tanong niya sa akin at napatango na lang ako sa tanong niya.

Nangangalahati na kami sa pag-inom sa kalahating Litro ng Empirador at medyo masakit siya sa ulo pero kaya ko pa naman.

"Ang init na 'no?" Tanong niya at tumango lang ako dahil totoo naman lalo na sa akin na naka-batch shirt pa.

Mayamaya pa ay naghubad na siya ng damit at nakita kong may peklat siya sa bahaging dibdib pero ganoon pa man ay maganda ang hubog ng katawan niya sa point of view ko.

"Naka-black ka, pahiramin muna kita ng damit na medyo light ang kulay," pag-i-initiate niya. Kinuha niya ang gitarang hawak ko at iniabot sa akin ang puting sando. Agad ko iyong kinuha at agad ko ring hinubad ang aking suot. Medyo maluwang ang sando niya pero komportable ako ro'n dahil medyo hindi na ako mahihirapang gumalaw.

"Wala ka bang kapatid, Charles?" tanong ko sa kanya dahil ang tahimik kasi ng bahay nila.

"Wala pero may ampon si Mama. Ayaw umuwi rito, e. Mas gustong mangupahan. Maganda na rin 'yon nang hindi kami nagkikita," aniya doon ko masasabing hindi rin naman pala boring ang buhay niya, slight lang. Napatawa ako sa ideyang 'yon kaya napatingin siya sa akin.

"Bakit ka tumatawa d'yan? May nakakatawa ba sa muka ko?" curious niyang tanong sa akin.

"Wala namang nakakatawa sa muka mo. Tagay mo na kasi, papaabutin mo pa yata ng pasko 'yan bago mo tagayin.

"Sabi ko nga." Ang pagsang-ayon niya sabay tagay.

Nakailang tagay pa kaming dalawa at halos mauubos na namin ang laman ng boteng iniinom namin at tipsy na ako pero kaya ko pa rin naman. Kumuha ako ng konting chips at nang makagat ko iyon ay bigla akong hinila ni Charles papalapit sa kanya.

"Anong trip mo?" tanong ko sa kanya dahil naupo siya sa likod ko at niyakap ako ng mahigpit.

"Gusto ko lang uling yakapin ka para mawala or mabawasan 'yang lungkot mo. Muka kasing lumilipad ang isip mo. H'wag mo ng isipin 'yong gago mong boyfriend." Wika niya.

"Boyfriend din kita, 'di ba? Eh 'di gago ka rin?" natatawa kong tanong at pinisil niya ang pisngi ko.

"Minsan pero hindi naman 'ako' ang sinasabi kong gago mong boyfriend dahil hindi ako gago. Maloko lang ako minsan at mahilig masangkot sa riot pero hindi ibig sabihin no'n ay gago ako. Kuha mo?" pagpapaliwanag niya sa akin pabalik.

"Sabi ko nga. Ang dami mo agad nasabi, e!" sabi ko naman pabalik at iniharap niya ang ulo ko paharap sa kanya at gulat na gulat ako sa sunod niyang ginawa.

Inilapat niya ng mabilis ang labi niya sa labi ko at napapikit ako dahil sa sensasyong naidudulot no'n sa akin. Gumalaw ang labi niya at iginalaw ko rin ang akin at unti-unti ay humarap ako sa kanya at doon ako natauhan na hindi siya si Ian kaya napabitaw ako bigla sa halikan naming dalawa.

Pero bakit ganoon, parang gusto ng katawan ko ang nangyayari? Hindi ito dahil sa alak pero parang may nagtutulak sa akin na halikan ko siya pabalik pa kaya naman ng sugpungin niya ang labi ko ay naging mas mapusok ang ginawa naming paghalik sa isa't-isa. Nalalasahan ko ang kanyang alak na manamis-namis at lalo pa akong nakiliti nang sandaling laruin niya ang dila ko gamit ang dila niya. Malaya niyang ginagalugad ang ang bibig ko gamit ang dila niya at napapaungol ako ng bahagya dahil doon.

Habol hininga ako nang magkalas ang labi naming dalawa at napangiti ako sa kanya habang siya naman ay nakapagsalita pa ng "maadik ka sa labi ko, Charlie. Pwede mo akong halikan kung kailan mo gusto."

Nag-echo sa aking utak ang sinabi niya at naiwan ako sa mid-air nakahawak sa labi ko.

Ayokong aminin na gusto ko ang halik niya pero magiging sinungaling ako kung hindi.

"Huwag mo akong sanayin baka hanap-hanapin kita, mas masaktan lang ako..." paninigurado ko sa kanya dahil 'yon naman ang totoo. May ganoong posibilidad na ma-fall ako sa kanya at alam ko iyon sa sarili ko dahil marupok din ako minsan.

"Iyon nga ang gusto ko, e. Para hindi ka na maghanap ng iba.." Hindi ko masyadong narinig ang nais niyang sabihin pero naunawaan ko naman na iyon ang gusto niya at parang hindi yata ako nagiging patas na tao.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Pinasok ko 't kaya kailangang panindigan ko.

"Alam kong masarap akong humalik kaya 'wag ka  ng matulala d'yan.." aniya at napabalik ako sa aking pag-iisip na bagama't nahihilo na ay nagpapaka normal pa rin sa harap ng lalaking ito na masarap humalik.

To be continued....


Credit to: Join The Club, Nobela

DREAM GUY (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon