DG PART IX

1.7K 78 3
                                    

IKASIYAM: SURPRESA


CHARLIE

                  Araw ng Biyernes at hindi ko alam kung bakit tila ba kinakabahan ako sa mga mangayayari ngayon araw. It was as if something is destined to happen today pero I'm trying to hold back. Ayokong masira ang espesyal na araw namin ni Ian.

"Kanina ka pa yata hindi mapakali," ang puno ni Marla este Marlon sa akin habang nakaupo kami sa loob ng cafeteria. Kakatapos lang kasi ng isa naming subject na feeling major.

"Aalis na ako, Marla. May aasikasuhin lang ako." Hindi ko sinagot ang kanyang sinabi at nagmadali akong tumayo para pumunta sa lugar na hindi ko alam kung saan. Buti na lamang at hindi na ako sinundan ni Marla at doon ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan muli ang aking cellphone at tiningnan ko kung may mensahe ba ako galing kay Ian. Doon ay muli lang akong napasapo sa aking ulo at napaisip na baka nakatulog lang si Ian sa kanilang boarding house. Antukin pa naman ang isang 'yon.

Pinilit kong ngumiti pero nawala iyon nang matanaw ko si Ian sa 'di kalayuan at sinundan ko siya. Doon ko nakita na may hawak siyang bulaklak at ibinigay niya iyon sa isang babae. BABAE. Hindi ko namamalayan na pumatak na lamang ang aking mga luha lalo na nang magyakap silang dalawa.

I don't really give a fuck pero si Ian at ako ang involve dito kaya dapat siguro may gawin ako. Pero hindi ko alam kung bakit ayaw kumilos ng aking mga paa at minasdan ko na lamang ang kanilang ginawang pag-alis. Masayang masaya pa silang dalawa at dinial ko ang numero niya at sinagot naman niya.

"Hello? Nasaan ka?" Pinilit kong maging normal ang boses ko para hindi siya makahalata.

"Nasa SSC office, mahal. Kasama ko si Jack, may tinatapos lang kaming awtput para sa gaganaping fun run sa isang linggo," sagot niya sa kabilang linya at doon ko na ibinaba ang linya.

Napatawa ako bigla at napatingin sa ulap.

"Bitch ka kasi, Charlie! Akala mo dahil nakuha mo ng madali ay madali ring magiging loyal agad siya sa'yo. Tandaan mo, kailangan gago ka rin para balance!" Random na nasabi ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

--


                    Natapos ang ilang mga sandali at nakita ko si Jadrick na nakaupo sa ilalim ng puno ng Narra. Mukang okay na siya kaya nang magkatitigan kami ay nginitian ko siya.

"Kumusta ka? Are you okay?" nag-aalala niyang tanong sa akin and ramdomly, niyakap ko siya.

"Kung ano man 'yang gumugulo sa isip mo at kung ano man ang dahilan ng kalungkutan mo, sana ay maging okay ka rin." Aniya habang hinihimas ang likod ko. Nasa ganoong tagpo kami nang mamataan ko ang paparating na si Ian at Jack kaya hinawakan ko sa balikat si Jadrick at niyaya ko siyang maglakad palayo sa kinalalagyan namin.

"Bakit tayo nagmamadali?" tanong niya.

"No need to ask me. Basta mag-ingat ka, Jadrick. Sorry for everything." Sabi ko at doon na siya umalis. Hindi ko na siya hinintay na makasagot dahil baka humaba lang ang diskusyon.

Narinig kong nag-ring ang cellphone ko pero hindi ko iyon binigyang ng pakialam lalo na't ang nakarehistrong pangalan ay ang pangalan ni Ian.

Pero talagang marupok yata ako dahil nang tumunog muli ang cellphone ko ay sinagot ko agad ang kaniyang tawag.

"Nasaan ka? Sino ang kayakap mong lalaki?" ang sunud-sunod niyang tanong mula sa kabilang linya.

May pakialam pala siya sa'kin?

"Hindi na mahalaga 'yon." Sabi ko habang nakatingin sa nilabas kong box na regalo ko sana para sa kaniya.

"Anong hindi mahalaga?! Ginagago mo ba ako?" singhal niya at hindi ko alam kung bakit tila ba rinig na rinig ko ang kaniyang boses. Luminga linga ako at nakita kong may hawak siyang human size na teddy bear na kamukha ni Ice Bear na mula sa palabas na We Bare Bears. May kasama rin siya na babae na may hawak na banner at katulong niya si Jack.

"H-hindi! B-bakit naman kita gagaguhin?" kinakabahan kong sagot dahil nakita ko kung paano niya ako tingnan.

Napatingin uli ako sa babaeng niyakap ni Ian kanina at inirapan ko siya.

"Sino ka?" turo ko sa kanya at ganoon na nga ang tawa niya.

"Mae, bestfriend ni Jack at Ian. Nakita kita kanina. Nagseselos ka yata kanina, tama ba?" sabi niya at medyo tinamaan ako ro'n.

"Bakit naman naman kita pagseselosan?" tanong ko pabalik.

"Bakit nga ba?" si Ian na ang sumagot habang nakangisi.

"Oo na! Kasi mahal kitang gago ka!" sigaw ko kaya naman napahinto ang mga dumaraan sa main gate ng University na malapit sa amin at may naging sentro kami ng atraksyon dito sa parking lot.

"Planodong lahat ng 'to. Sorry kung nasira ko ang mood mo. Happy monthsary!" sabi niya at lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi. Mabilis lamang iyon pero malaman. Lalo tuloy dumami ang tao at nagsigawan pa ang iba sa kilig.

"Mahal na kita, Charlie..."aniya at niyakap ko siya kasama ang human size na bear na regalo niya.

"Happy monthsary!" sabi ko sa kanya at iniabot ko naman ang box ng relos na kaparehas ng suot ko.

"Hindi ka na dapat nag-abala pero maraming salamat. Hindi ko 'to tatanggihan." Sabi niya at lalo ako kinilig nang makita kong kinuha niya ang kumpol ng rosas kay Mae at lumuhod sa harap ko.

"Tumayo ka nga d'yan!" sabi ko at hindi naman siya tumigil at kinuha niya ang hawak ko bear at iniabot niya sa aking mga rosas.

"Ikaw palang ang tumagal sa ugali kong gago, basagulero ako, matakaw, at pasaway kaya sa unang pagkakataon ay magseseryoso ako at lumuluho sa harap mo. Kapag magtatampuhan tayo ay lagi kitang iintindihin at sana ganoon ka rin. Mahal kita, Charlie kahit na masyadong mabilis ang lahat. Hayaan mo at papatunayan ko pa sa'yo araw-araw kung gaano kita kamahal.

"Mahal din naman kita, e." Nag-iinarte kong sagot sa kaniya at hinalikan niya akong muli sa labi.

"Sana naging masaya ka sa munti kong surpresa," aniya at doon ay tila tumigil ang aking munting mundo.


To be continued....

DREAM GUY (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon