DG PART XXXV

890 40 2
                                    

DREAM GUY PART XXXV: TAWAG

CHARLIE

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay doon namin nakita ni Ian ang muka ni Jack na may pasa sa kanang pisngi at putok din ang kaniyang labi. Madumi rin ang kaniyang damit at halatang napaaway.

"Sinong may gawa niyan sa'yo?" tanong ni Ian at doon ko nakita ang pag-aalala sa kaniyang muka.

"Si Julie, pre." Ang sagot ni Jack na ikinagulat namin ni Ian dahil hindi namin akalain na kayang gawin iyon ng babaeng 'yon.

"Dahil ba sa'kin, Jack?" Tanong ni Ian na siyang tumatakbo rin sa utak ko. Naunahan niya lang ako.

"Pinagbantaan ako ng mga kapatid ni Julie na isusunod kayong dalawa." Ang sabi ni Jack na sinisimulan ko ng linisin ang sugat sa kaniyang pisngi. Medyo napapangiwi man siya ay tuloy pa rin siya sa kaniyang pagsasalaysay.

"Ano pang sabi?" Ang pangungulit ko naman.

"Paano mo raw nagawa sa kaniya 'yon. Basta ang sa'kin dito ay kung saan kayo ay doon ako. Kilala natin ang pamilya ni Julie, Ian. Mga siraulo ang mga 'yon. Gagawin ang lahat kahit wala sa tama." Ang sabi pa ni Jack at sumang-ayon naman si Ian habang ako ay walang imik dahil sila ang higit na nakakakilala sa mga damuhong 'yon.

"Anong plano mo ngayon, pre?" Ang tanong naman ni Jack pabalik kay Ian na noon ay malalim ang iniisip.

"Poprotektahan natin si Charlie at hindi ako babalik sa kanya. Sorry, Jack kung nadamay ka pa sa gulong 'to." Wika ni Ian sa kaibigan.

"Wala 'yon. Para na tayong magkapatid kaya kung saan ka ay doon pa rin ako." Sabi pa ni Jack at nagpasalamat kami ni Ian sa kanya.

"Doon muna kayo sa bahay." Suhestiyon ko sa kanila at ewan ko lamang kung papayag sila dahil ilang taon din sila ritong dalawa na magkasama.

"Pag-isipan niyo kaysa may mangyaring masama sa inyong dalawa. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari 'yon. Tsaka, ayaw mo bang mag-report tayo sa pulis, Jack?" Pagsingit ko pa dahil walang balak ang dalawang 'to marahil na gawin iyon.

"Hindi na kailangan 'yon, Charlie. Okay naman ako." Sabi ni Jack at ganoon din ang sinabi ni Ian.

"Maliit lang ang gulong 'to. Maayos din natin 'to. Kapit lang." Positibong sabi ni Ian at wala akong nagawa kung hindi ang magtiwala sa kaniyang mga sinabi.

--

Matapos ang araw na 'yon ay naging maingat kami nina Ian at halos buong linggo akong nagpapahatid sa driver namin hanggang sa isang araw ay may mga lalaking sumusunod sa akin sa banyo ng school kaya naman lumiko ay papunta sa cafeteria na tiyak na maraming tao.

Ganoon nga ang aking ginawa at doon na lamang ako nagpalipas ng oras at tinext ko rin si Charles para naman may makasama ako ngayon dito sa cafeteria dahil wala na akong klase at ayoko pang umuwi.

"Ginawa mo?" Tanong ni Charles nang dumating siya. Naglalaro kasi ako ng poker sa aking cellphone.

"Tambay lang." Sabi ko at napatawa siya bago umupo sa tapat ko.

"Nasaan na naman ang kupal mong boyfriend?" Tanong niya at napakamot ako ng ulo.

"May klase pa e." Sagot ko at nagulat ako sa sumunod niyang sinabi.

"Kung ako ang boyfriend mo baka hindi ka laging nag-iisa. Ako na lang kasi dapat. 'Di ba crush mo naman ako dati?" Hindi ako nakasagot sa mga sinabi niyang iyon at napatawa naman siya bigla.

"Nagbibiro lang. H'wag mong kaseryosohin." Aniya at sabay kaming tumawa. Kung tutuusin ay maraming pwedeng magustuhan kay Charlie dahil gwapo naman talaga siya pero hindi ko lang ma-take ang pagiging misteryoso niya. Maraming may gusto sa ganoon pero ako kasi, mas gusto ko iyong gago na gaya ni Ian.

DREAM GUY (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon