DG PART VII

1.7K 89 7
                                    

IKAPITO: MAARTE

CHARLIE THEO

"Amoy mabango," sabi ni Jack nang maamoy niya ang niluto kong pininyahang manok. Tinuruan kasi akong magluto nito ni Manang Rona sa bahay dahil paborito ko ang pininyahang manok.

"Mabango talaga 'yan, 'no! Ako ang nagluto, e!" Angal ko kay Jack na nakunot lang ng noo sa pagtataray ko.

"Sabi ko nga. Hagagalit?" Pagbibiro niya.

"Hindi ako galit. Sinasabi ko lang ang totoo." Sagot ko naman pabalik.

"Gigisingin ko na ang mahal ko at masyado ka ng masakit sa bangs na tanungin tungkol sa mga bagay-bagay." Sabi ko pa.

"Masakit sa bangs? Wala ka namang bangs." Pambabara niya kaya inambahan ko siya ng suntok.

"H'wag ka ngang epal!" Sabi ko at tumawa lang siya.

Ilang hakbang lang ang ginawa ko at nakita ko na ang tulog pa rin si Ian.

At kahit tulog pa siya ay pogi pa rin.

"Ian..." at tinapik-tapik ko siya.

Nang imulat niya ang kaniyang mata ay sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi at tumingin siya sa aking mga mata.

"Gising na. Kakain na tayo." Sabi ko sa kanya at hindi ko inaasahan na bigla nalang niya akong yayakapin.

"Five minutes." Aniya at nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin.

"I want to fuck you.." sabi niya sa mismong tenga ko.

"Tantanan mo'ko!" Sabi ko sa kanya habang tumatayo.

Kinuha ko rin ang kamay niya at itinayo siya.

Pinaghilamos ko siya at pinagsuot ng damit at nang matapos siya ay hinainan ko na siya. It's not usual for me kasi sanay akong pinagsisilbihan pero I don't really care dahil ang mahalaga sa'kin ngayon ay ang mayroon kami.

"Kumain ka na rin, mahal ko." Sabi niya sa akin at inayos pa niya ang upuan ko.

"Tang ina ang tamis! Ngayon lang may nagganyan d'yan sa mo'kong na 'yan!" Sabi naman ni Jack kaya nasapok siya ni Ian sa ulo.

"Totoo naman, 'di ba? Ayaw na sa'yo ng mga babae kasi basagulero ka." Dagdag pa ni Jack at napatawa naman ako.

"Tawa e," kumento naman ni Ian at lalo pa kaming tumawa ni Jack. Lalo ko siyang nagugustuhan sa inaasal niya. Masyadong asar talo, pikon.

After noong sinabi ni Jack ay kumain lang kami ng kumain at napansin ko na naparami na ang kain ni Ian at ganang gana siya.

"Favorite niya 'yan." Sabi ni Jack na naman at natutuwa tuloy ako sa kanya kasi ang dami niyang alam kay Ian kumpara sa akin.


"Ang sarap kaya!" Masigla niyang sagot na ikinatuwa ko naman. Somehow kasi ay na-appreciate niya ang effort ko na mapasaya siya.

"Ang sarap mo palang magluto!" Kumento pa ni Ian at lalong lumalaki ang ulo ko sa sinasabi niya.

"You don't need to remind me. Given na 'yon!" Biro ko sa kanya at nasubo nalang siya ng sunud-sunod.

"Whatever!" Sabi pa niya at tumawa naman si Jack.

"Tawa ka ng tawa d'yan, Jack?" Puna ko kay Jack na trip kong asarin.

"Bakit pala hindi ka pumasok, Jack?" Sabi ni Ian sa kanya.

"Absent ka rin, e. Ayoko namang hanapin ka na naman ng mga professor natin sa'kin. Tsaka pakialam mo ba kung pumasok ako o hindi?" Sabi pa ni Jack.

"Dami mo agad sinasabi. Tinanong lang kita kung bakit ka absent!" Singhal naman ni Ian at natawa lang ako habang pinapanood silang magbangayang dalawa.

"Ang aarte niyo!" Sabi ko sa kanila at sabay silang natulala sa akin.

"May nasabi ba ako?" Tanong ko kasi para silang timang na tatawa-tawa habang nakatingin sa akin. Magtitinginan tapos tatawa.

"Bakit nga kasi!" Singhal ko pa.

"Joker ka kasi!" Sabi ni Jack.

"Paanong joker?" Tanong ko.

"Kasi mahal, sa ating tatlo, ikaw talaga ang tunay na maarte, e." Dagdag naman ni Ian na naintindihan ko.

"Maarte na kung maarte! Pero pasalat ka na itong maarteng 'to, jowa mo at mahal ka!"

To be continued...

DREAM GUY (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon