DG PART XXVII

983 54 7
                                    

Note: I dedicate this chapter to all of you, guys. I stop writing for almost a quarter and yet you're still supporting me until this part. Apir! I am going to read your comments. And one more request, send love to one another! :)

DG PART XXVII: ACCEPTED

CHARLIE

"Ian, bababa na ako," paalam ko sa kanya pero pinigilan niya ako.

"Bakit ka bababa?" tanong niya sa akin na may halong pagtataka habang ako naman ay kinakabahan na lalo na nang ibaba ni Daddy ang bintana ng sasakyan niya. Mabilis ang mga pangyayari at natauhan ako nang magsalita si Ian.

"Bakit po kayo bumubusina? May probelama po ba?" sunud-sunod na mga tanong ni Ian na ikanakaba ko.

"Dad, pagpasensyahan niyo na'tong kaibigan ko." Sabi ko naman sabay baba sa motorsiklo ni Ian. Bahagyang napatingin si Ian sa aking mata at nagpahiwatig ako na tumahimik siya pero parang hindi siya aware sa mga nangyayari. He don't really like it.

"Kaibigan mo 'yan?" tanong ni Dad at ganoon ang ginawa niyang pagmamasid kay Ian at nakalimutan kong dala niya ang aking bag kaya naman kinuha ko iyon mula sa kanya at nagpaalam pero hindi kumbinsido si Dad dahil nakakunot ang kaniyang mga kilay na bihira ko lamang namang makita.

"Ano pang hinihintay mo Charlie? Sumakay ka." Ang ma-awtoridad na utos niya sa akin kaya naman mabilis ang ginawa kong pagsakay.
Nang makasakay ako ay nakita ko sa side mirror si Ian at tila ba malungkot ang mga mata niyang nakahabol ang tingin sa sasakyan na sinasakyan ko.

Malayu-layo na ang tinatakbo ng sasakyan mula sa University tsaka lang nagsalita si Dad.
"May gusto ka bang sabihin?" ang tanong niya sa akin.

"W-wala, Dad." Sagot ko na may halong kaba at napansin kong tumigil siya sa isang gilid at pinatay niya ang engine ng sasakyan at bigla siyang humarap sa akin.

"Who is that guy?" makahulugan niyang tanong sa akin at umiling ako.

"A friend, Dad." Sagot ko at napatawa siya.

"Are you trying to convince yourself or are you tring to fool me?" tanong pa niya.

"Hindi ko alam ang gusto niyong ipatating, Dad, pero trust me, he's a good friend.." pagtatanggol ko kay Ian at sana ay hindi siya magalit sa akin dahil i-d-ineny ko siya.

"Then can you tell me what is this picture all about? Does your friend normally kiss you?" aniya at doon ako nagulat sa tanong niya at pinakita pa niya 'yung picture namin ni Ian sa gymnasium kanina na hinalikan niya ako.

"Let me explain, D--." At hindi ko natapos ang gusto kong sabihin dahil bigya siyang napaubob sa manubela ng kaniyang sasakyan.
He's disappointed and I felt it.

"How long have you been together?" tanong niya.

"Almost a month." Sagot ko habang nakatingin sa kanya.

"I have a lot of dreams for you and we're doing our best to provide everything for you and sadly, you.."

"Gay?" Hindi na niya naituloy ang gust niyang sabihin at nang sabihin ko iyon ay napatingin siya sa akin at niyakap ako.

"I am not against your sexuality, I am against your behavior. Ni hindi mo man lang sinasabi sa amin ng mommy mo na may karelasyon ka na pala. Ni hindi mo pinakilala sa'min.." sabi niya at nagalak ako.

"Kaya ka ba nagagalit, Dad kasi hindi ko sinabi sa inyo?" tanong ko matapos niya akong yakapin.

"Alam namin na ganyan ka matagal na dahil sa mga magazine na nakita ng mommy mo sa ilalim ng kama mo sa mga kilos mo at maging sa lahat ng ginagawa mo. We know you.. that much." Sabi ni Dad at doon ako natigilan dahil ramdam ko na tanggap na tanggap ako.

"But I want to request something." Sabi ni Dad.

"Ano po 'yun, Dad?" Tanong ko.

"Dalin mo sa bahay ang lalaking 'yun para makilala namin ng mommy mo." Aniya at lumaki parehas ang ngiti naming dalawa at hindi ko napigilang yakapin siya.

This feeling is quite new. Tanggap nila ako at tanggap nila kung anong mayroon sa amin ni Ian.

"Masusunod po!" Excited kong sagot pabalik.

"Dad, salamat!" Sabi ko at dumiretso na kami pauwi sa bahay.

Pagdating namin sa bahay ay nakaabang si mommy sa labas ng bahay at doon ay niyakap niya ako ng mahigpit.

"Do you hate me, ma?" I asked dahil gusto kong makumpirma sa salita bagat ramdam ko naman na accepted ako bilang ako.

"Of course! Ipinagbuntis kita ng 9 months at inalagaan hanggang sa paglaki. Maliit ka palang ramdam ko na na ganyan ka, but I refused to ask because no matter how and what you do, ikaw pa rin ang bunso ko." Aniya.

"Mom, thank you!" Naiiyak kong sabi at iniharap niya ang muka ko sa kanya at pinahid niya ang mga luhang dumadaloy sa mga mata ko.

"Ikaw na lang at ang daddy mo ang mayroon ako kaya bakit pa namin ipagkakait ang suporta na kailangang-kailangan mo?" Dagdag pa ni mommy at napatingin na lang sa'min si Daddy na nakangiti. He even raised his eyebrows to show his support and happiness for me.

"I don't want this drama, but I am happy that you accept me for being me. I just wish that kuya Joseph is here to see me. I really missed him so bad," sabi ko at doon kami sabay sabay na ngumiti na lang.

Kuya must be somewhere far from us, but in our hearts he's here.

"Sino bang hindi nakaka-miss sa kuya mo?" Tanong ni mommy na inilingan lang namin ni Daddy.

As of now, I am happy but I don't know kung gaano kahaba 'tong happiness na'to.

Itutuloy...

DREAM GUY (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon