DG PART XXI

1.2K 52 1
                                    

SEASON 2, PART XXI: MAHAL

1 year later...

IAN

          "What the fuck, Dude?"  Ang natatawa kong sagot koy Jack na ngayon ay nagkakalkal ng gamit sa kwarto ko. Pinagbibintangan niya kasi akong nagtago ng cellphone niya.

"Ilabas mo na kasi." Pagsusumamo niya pa.

"Putang-ina mo! Ayusin mo 'yang gamit ko. Hanap ka ng hanap d'yan, naiwan mo sa banyo! Kupal na 'to!" Sabi ko nang makita ko na ang kalat na sa kwarto ko dahil sa paghahanap niya.

Nang sabihin ko iyon ay nagmadali siyang tumakbo papunta sa banyo. Hindi man lang natinag sa kalat na nilikha niya ang gago. Matigas ang mukha.

"Jack! Linisin mo 'tong kwarto ko! Tang-ina mo ka!" Sigaw ko at natatawa lang siyang pumasok sa kwarto ko at nagmadaling linisin ang kwarto ko.

"Ayaw na ayaw mo ng nakakalatan ang kwarto mo, 'no? Hindi naman na siya babalik kahit sobrang linis pa nitong kwarto mo." Aniya pa at napatahimik ako ng saglit.

"Lumabas ka na! Ang dami mong sinasabi. Sabi ko maglinis ka lang." Singhal ko sa kanya.

"Sorry na, bro."

"Labas!" Sigaw ko pa dahil nasira na ang mood ko. At imbes na umalis siya ay tinapik lang niya ako sa balikat.

"Easy lang, Ian. Unintentional 'yong mga sinabi ko. Basta alam ko namang nagbago ka na at alam kong nahulog ka talaga kay Charles pero tumatanda na tayo. Ga-graduate na tayo kaya gawin mo na 'yong dapat mong gawin. Magpakatotoo ka na sa sarili mo. Limited ang chance mo kaya ayusin mo na. Ayoko na rin ng katangahan natin dati kaya, bro, pumili ka ng dapat. Manatili kang ganito o gumawa ka ng paraan para bumalik siya sa'yo? Ang sagot ay nasa'yo." Aniya at doon siya lumabas ng kwarto.

Last sem na ng college year ko pero hindi ko pa rin mahanap ang totoong kasiyahan ko. Nag-aaral naman ako ng ayos pero mas marami akong time sa kagaguhan.

Before, nakagawa ako ng kagaguhan kay Ian pero pinagsisisihan ko na iyon. At nagawa ko iyon dahil akala ko niloloko niya ako. Kundangan ba naman kasing makialam si Charles sa buhay naming dalawa at ang malma pa ay nakikita ko silang parating magkasama. Masaya at masakit iyon para sa akin dahil ako dapat 'yon, e. Ang gumagawa ng pagpapasaya sa kanya at lagi niyang kasama. Nakakaiyak lang isipin na dahil sa kamalian ng tao ay maraming nawawala at maraming nagbabago.

"Kung hindi lang sana kita sinaktan noon." Sabi ko bigla habang nakatingin sa picture ni Charlie na naka-display sa ibabaw ng  cabinet ko.

Kuha ko iyon sa kanya noong araw na sabay kaming naligo. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang nagdaaang araw na yaon sa buhay namin.


"Inaantok na'ko." Aniya nang makauwi kami galing sa school. Nag-volleyball kasi siya at nakisali na rin ako.

"Ang lagkit na natin kaya maligo muna tayo, mahal." Paglalambing ko sa kanya.

"S-sige nga!" At ngumuso pa siya habang sinasabi yaon.

"Bakit parang napipilitan?" Tanong ko sa kanya at itinago ko ang ngiti sa aking mga labi.

"Hindi kaya!" Sagot niya.

"Bakit parang galit ka? H'wag na nga." Pang-aasar ko pa pero dinakma niya bigla ang nasa gitna ng hita ko at nagtatakbo patungo sa labas ng kwarto at sinundan ko naman siya.

"Yari ka sa'kin!" Singhal ko naman at natatawang hinahol ko siya.

Nabasag ang aking pagbabalik tanaw nang biglang pumasok si Jack sa kwarto ko.

"Unang araw ng klase. Uuna na ba ako o sasabay ka?" Nag-aalala niyang tanong sa akin.

"Umuna ka na." Blangko kong sagot at hindi na siya nagsalita.

Isang taon na mahigit ang lumipas at gusto kong bago ako grumaduate ay maging ayos kami ni Charlie dahil aaminin ko sa sarili kong mahal ko siya. Mahal ko si Charlie at gusto ko akin lang siya.

Itutuloy...

DREAM GUY (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon