3

2.5K 109 63
                                    

Shine POV.

Nagpatuloy ang relasyon namin ni Luke ng patago pero pag nasa opisina kami ay back to reality kami.

Ako ang secretary nya, sya ang amo ko.

Hindi ko nga alam kung paano ko nakakayanan ang ganito. Masakit rin naman sa akin na nakakasaga ako ng taong walang ginawa kundi mahalin ako at ng taong nagiging kaibigan ko na.

Bakit ba kasi ganoon?

Bakit ba kasi ang unfair ng mundo?

Bakit kasi may mga bagay na ang hirap makuha?

Bakit kasi may mahal ka pero hindi ka kayang mahalin?

Ang daming bakit na walang makuhang sagot. Bakit na nagpapahirap at nagpapasakit ng kalooban.


"Ano yong gusto mong pag-usapan natin?"tanong sa akin ni Mark.

Nasa isang restaurant kami ngayon. Buo na kasi ang desisyon kong makipaghiwalay sa kanya. Kinakain na rin kasi ako ng guilt sa panloloko ko sa kanya, sa kanilang dalawa ni Cindy.

Sa totoo lang masakit sa akin ang bagay na ito. Wala naman ginawang masama si Mark sa akin kundi ang mahalin ako at ibigay lahat ng ginusto ko.

Hinintay ko munang ibaba ng waiter ang order namin bago ako nagsalita.

"Mark alam mo namang mahal kita di ba?"umpisa ko.

"Oo at mas mahal kita"ngiti nya sabay hawak ng kamay kong nasa ibabaw ng lamesa.

Pasimple kong binawi ang kamay kong hawak nya na nagpa salubong ng kilay nya

"Mark ganito kasi yon---

"Shine please sabihin mo na ang lahat, huwag ka lang makipag-hiwalay sa akin dahil ikamamatay ko yon"biglabg sagot nya sa akin.

"Mark"

"Please Shine, huwag mo akong iiwan. HUwag kang makipag hiwalay sa akin. Ikaw ang buhay ko"

Shit. Paano na?

Paano ko pa sasabihin sa kanya ang totoo kung ganito na agad?

"Mark hindi mo kasi naiintindihan"ulit ko pa. Hindi na kami pwedeng tumagal. Mas lalo syang masasaktan pag ipagpapatuloy pa namin to.

"Shine, love naiintindihan kita. Alam ko, ramdam ko may nagbago sa atin mula noong nag-away tayo ilang months na ang nakakalipas. Iniintindi ko hindi lang dahil kasalanan ko kundi dahil mahal na mahal kita at hindi ko kakayaning mabuhay na wala ka sa akin"

"Mark---

"Si Luke di ba? Si Luke na yong bagong nagmamay-ari ng puso mo?"sabi nyang nagpagimbal sa akin.

Alam nya?

"Paanong--

"Nakikita ko Shine. Nakikita ko sa mga mata mo ang sakit pag magkasama silang dalawa ni Cindy. Pilit ko lang binabaliwala kahit na masakit na, mahal kasi kita"

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon. Lalo akong kinain ng guilt sa mga narinig ko sa kanya. Mahal nya ako pero anong ginagawa ko? Mas pinipili ko syang lokohin at saktan.

Anong klasing tao ako? Malamang pag nalaman ng nanay at tatay ko ito babangon sila sa hukay para sampalin ako ng magising ako sa katotohanan.

"Ohh, napakaliit talaga ng mundo. Akalain nyo nasa iisang restaurant pa tayo magkikita-kita"sabi ng bagong dating.

Si Luke. Magkasama sila ni Cindy, mukhang may date sila.

Small world talaga.

Nanahimik ako, hindi pa ako nakakamove-on sa sinabi ni Mark tapos darating pa si Luke.

Hindi lang yon, may talim ang tingin sa akin si Luke.

"Date namin Sir, anniversary kasi namin ngayon"rinig kong sabi ni Mark.

Anniversary?

Anong date---

Oh, putang-ina naman. Oo nga pala second anniversary na namin ngayon. What the fuck lang, hindi ko namalayan yon o inaalam ko ba?

Second anniversary namin pero heto ako nakikipag-hiwalay sa kanya.

"Ah ganon ba? Congrats, akalain mo yon dalawang taon na pala kayo?"matatalim ang mga salitang lumabas sa bibig ni Luke at habang sinasabi nya yon ay sa akin lang sya naka-tingin.

Samantalang si Cindy naman ay tahimik lang nakikinig.

"Oo two years and counting pa kami. Wala naman na kasi akong balak na iwanan si Shine, nagbabalak na rin ako sa future namin"sagot ni Mark, halatang hindi nagustuhan ang pagkakasabi ni Luke.

Dahil din sa sinabing yon ni Mark ay lalong nagalit si Luke. Bumaling sya kay Mark.

"Talaga? Good luck sayo, pero kung ako sayo pagbutihan mo ang pagbabantay mo baka kasi hindi mo alam na nasasalakay ka na pala"naka ngising sabi ni Luke.

"Alam ko. Alam ko ang lahat, nanahimik lang ako pero hindi na ngayon"matigas na sabi ni Mark na lalong nagpa-ngisi kay Luke.

"Good luck Mark De Leon. So paano, maiwan na namin kayo, may date pa kasi kami ng fiancee ko"sabi ni Luke na nagpa durog ng durog ko ng puso.

Fiancee? Ikakasal na sila?

PAano ako?

Paano kami?

Wala na ba talagang pag-asa?















D-dcated s lht ng naniniwala at nagpapalakas ng loob ko.

Love u all.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon