4

2.4K 109 41
                                    

Sinong nag-aabang ng Pov ni Luke?

Taas ang Paa. Hahaha..✌✌✌



Shine POV.

Dahil sa hindi pumayag si Mark naa maghiwalay kami ay nagpatuloy ang relasyon namin. Alam daw nya kung saan sya lulugar. At sa amin naman ni Luke ay nagpapatuloy din.

"Aalis ka na?"tanong ko kay Luke.

Matapos kasi namin sa mainit na tagpo ay agad na syang bumangon at nagbihis.

"Bakit? Hindi ka pa rin ba nasasanay? Lagi naman akong umaalis matapos ng lahat."sagot nya sa akin. Napayuko ako matapos nyang sabihin yon.

Oo nga naman, kailan nga ba ako masasanay?

"Don't tell me umaasa ka na matapos nating mag-sex ay tatabihan kita at yayakapin magdamag hanggang sa pag gising mo ng umaga?"naka-ngisi nyang tanong sa akin.

Umiling lang ako, kahit na ang totoo yon nga ang gusto ko at hindi yon sex lang para sa akin. Love making yon.

"Good, mabuti na ang malinaw. Oo nga pala, handa na ba ang lahat para sa business trip natin sa Hawaii?"

"Yes"tipid kong sagot sa kanya, baka kasi pag nagsalita ako ay pumiyok lang ako.

"Good, sige aalis na ako. Isara mo nalang to kapag aalis ka na"

Hindi na ako muling nagsalita. Pinanood ko nalang syang umalis at isara ng pabagsak ang pintuan.

Ano nga ba ang maasahan ko sa kanya. May Fiancee na nga sya di ba?

Isa pa yan, hanggang ngayon kasi ay hindi nya pa nililinaw ang balitang yan na sa bibig nya rin lang nanggaling.

Paano ako? Kung ngayon ay wala pa akong istado sa buhay nya pero pag kinasal na sya, ako na yong kabit.

Kabit na kinamumuhian ng lahat dahil nakakasira ng pamilya. Hindi ba pwedeng, kabet na nagmamahal at nagtitiis para kahit paano, kahit sandali makasama nila ang lalaking mahal na mahal nila? Kasi the end of the day uuwi at uuwi ang mahal nila doon sa taong mahal naman neto,. At ang kabet ay mananatiling kabit.

"Ready ka na ba Love?"tanong ni Mark sa akin habang nasa sasakyan kami papuntang airport.

Oo, kasama sya. Kasama kasi si Cindy. Okey na rin sigurong kasama si Mark para hindi mahalata ang pagiging third wheel ko sa mag kasintahan na malapit ng ikasal.

Tanging tango lang ang isinagot ko sa kanya, Hindi na rin naman sya umimik hanggang sa makarating kami sa airport. Saktong pag dating namin doon ay nandoon na rin ang dalawa.

"Pasensya na po, trapic kasi"malamig na sabi ni Mark kay Luke.

Matapos kasi ang di sinasadyang sagutan nila noon ay ganito na nya ituring si Luke na hindi naman pinapansin nong isa.

Ngumiti lang si Cindy sa amin na sinuklian ko ng ngiti.

"Ganoon talaga dito sa pinas, di pa ba kayo sanay?"natatawang sabi ni Cindy para na rin siguro maabawasan ang tensyong namamagitan sa dalawa.

Ngumiti lang ulit ako.

"Ganoon na nga sa pinas kaya dapat inagahan nyo na. Matrapic man kayo hindi kayo mahuhuli"malamig ding sabi ni Luke.

"Okey lang Sweety hindi pa naman sila totally nalate"pagtatanggol sa amin ni Cindy.

Magsasalita pa sana si Luke pero tinawag na ang lahat ng pasaherong patungong Hawaii.

Sa pagpasok namin ng eroplano ay naaghiwalay kami ni Mark, si Luke DAW kasi ang katabi ko samantalang magkatabi naman sila ni Cindy.

Kung bakit ganon? Yon ang hindi ko alam.Ang alam ko kasi katabi ko si Mark.

"Sir, bakit po kayo ang katabi ko?"tanong ko sa kanya nang maka-upo na kami.

"Malay ko, bakit sino ba ang gusto mong makatabi, yong boyfriend mo?"galit na tanong nya sa akin.

"Kasi nagtataka---

"Pwede ba Shine tigilan mo ako sa mga tanong mo. KUng gusto mong kasama ang boyfriend mo pumunta ka doon sa kanya"galit na sabi nya bago nagtakip ang mata at nagsalpak ng headphone.

Hindi na ako umalis, Gusto ko rin naman syang katabi pero nagtataka lang ako, bakit pumayag si Cindy? Tapos paano ba nangyari to samantalang ako ang nag ayos ng lahat ng pagpunta namin sa Hawaii.

Pero hindi lang doon natatapos ang lahat. Pagkarating kasi namin sa Hawaii ay nalaman kong magka-ibang hotel kami ni Mark. Ako at si Luke bago si Cindy at Mark.

"Bakit kailangang maghiwalay kami ni Shine? Pwede naman kami ang magkasama sa iisang hotel at kayong dalawa naman sa kabila"galit na tanong ni Mark.

Maging ako ay gulong-gulo hindi dahil sa ganitong set up kundi dahil parang walang say si Cindy sa lahat. Tahimik lang kasi syang nakikinig.

"Bakit ka ba tanong ng tanong De Leon? Pwede bang sumunod ka nalang?"inis na ring tanong ni Luke.

"Paano kung ayaw ko?"galit ding sagot ni Mark.

"Your free to go. Resign, hindi ka namin kailangan"

"Luke"sabay pa naming bigkas ni Cindy.

"Yon na ang set-up yon ang masusunod. Ang may ayaw sa gusto ko, umalis. Hindi ka kawalan"inis pa ring sabi nya bago kami iniwan.

Wala kaming nagawang tatlo kundi ang sumunod sa utos ni Luke. Maging ang nanggagalaiti si Mark ay sumunod nalang.




Hayyyy... What a life.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon