Luke POV.
Bata pa lang kami ni Cindy ay magkasama na kami. Bukod sa magkapit-bahay kaming dalawa, mag best friend ang mga magulang ay makasosyo pa sila sa company.
Magkasundo kaming dalawa dahil na rin siguro sa pareho kaming nag-iisang anak, kaya hindi na nakapagtataka na umaasa ang mga magulang namin na kami ang magkakatuluyang dalawa.
Noong una ay wala namang problema sa akin yon. Okey nga atleast kilala namin ang isat-isa. Pero alam naming pareho na walang pagmamahal na involve.
Hinayaan din naming isipin nilang lahat na kami na ni Cindy. Nagagawa ko lahat ng gustuhin ko, ganon din sya. Alam naman kasi namin pareho ang totoo at okey sa akin yon.
Babae dito at babae doon ako.
Wala akong paki-alam noon.
Pero nagbago ang lahat ng makilala ko sya.
Unang araw ko sa college noon nang makita ko si Shine, bago lang sya noon sa university na yon. Scholar daw sya kaya sya nakapasok non.
Unang kita ko palang sa kanya ay alam ko ng sya ang gusto kong babaeng makasama sa buhay. Lalo pang tumindi ang naisin ko nang malaman kong ulilang lubos na pala sya at sariling sikap nya lang kaya sya nakakapag-aral. Bukod sa sadyang matalino sya, working student pa sya.
Sinabi ko agad yon kay Cindy, dahil wala naman kaming lihiman. Nang malaman nya yon ay sya pa ang gumawa ng paraan para mapalapit kami ni Shine. Naging kaibigan namin sya. Habang pinaki-usapan ko naman ang pinsan ko na sa Restaurant nalang nya mag part time si Shine, bukod sa hindi sya gaanong pagod doon, nababantayan ko pa sya at malaki ang sahod nya dahil ako ang nagpapasahod sa kanya.
Oo ako,nagbibigay din naman ang pinsan ko pero nilalakihan ko talaga para hindi sya mahirapan.
Ganon ko sya kamahal, ayaw ko syang mahirapan. Pero hindi nya pa alam, alam ko kasing fucos lang sya sa pag-aaral nya at ayaw nya pang maistorbo, kaya pinagpaliban ko muna ang panliligaw ko sa kanya.
Isa pa alam din nyang kami ni Cindy. Hinayaan ko muna na yon ang isipin nya saka ko nalang sasabihin sa kanya amg totoo.
Hinintay kong matapos sya, kami ng pag-aaral bago ko sya formal na ligawan. Pero parang isang bombang sumabog sa akin nang saktong graduation ay ipinakilala din nya si Mark, ang boyfriend nya.
Tang-ina lang di ba?
Naghintay ako sa wala. Lahat ng ginawa ko para lang sa wala.
Nang gabing yon napakalasing ako ng sobra, nilabas ko ang sama ng loob ko at wala akong ibang kasama noon kundi si Cindy. Hindi ko alam kung ano ang issue nya noon pero sinamahan nya akong uminom na parang bukas.
Hindi ko na tinama ang pag-aakala nilang kami ni Cindy. HInayaan ko silang ganon ang isipin ng hindi naman ako maging kawawa sa harapan nya.
Pagkatapos ng isang buwang bakasyon na binigay ng mga magulang namin ni Cindy sa aming dalawa ay kami na ang namuno ng Company. Nang oras din yon nalaman kong naghahanap na ng trabaho si Shine kaya ako namang si tanga hinire sya bilang secretary ko.
Mula noon nagkaroon nanaman ng sigla ang bawat araw ko, kasi kahit na sandali nasa akin si Shine,na kahit na matapos ng araw na ito muli syang babalik kay Mark at maiiwan nanaman akong naghihintay na sana mag-umaga na nang sa gayon akin nanaman ang oras nya.,
Si Shine ang nag-iisang babaeng minahal ko at mamahalin ko habang buhay,
Akala ko hanggang tingin nalang ako sa kanya, sa kanila ni Mark pero isang gabi parang dininig ang panalangin ko. Nag-away sila ni Mark ng matindi, umalis sya kaya pasimple ko syang sinundan. Pumunta sya sa Bar at nagpakalasing.
BINABASA MO ANG
A Secret Affair
Short StoryMay boyfriend ka, May girlfriend sya, PERO MAY KAYO. May mahal ka, May mahal sya, PERO NAGMAMAHALAN KAYO. Pero meron nga bang kayo sa "NAGMAMAHALAN KAYO?"