May boyfriend ka,
May girlfriend sya,
PERO MAY KAYO.
May mahal ka,
May mahal sya,
PERO NAGMAMAHALAN KAYO.
Pero meron nga bang kayo sa "NAGMAMAHALAN KAYO?"
Maaga akong pumasok sa opisina para makita sya. Yes sa iisang companya lang kaming nagtatrabaho. Actually hindi lang kaming dalawa kundi maging ang mga kasintahan namin ay sa iisang company lang din nagtatrabaho.
Sila Luke ang may-ari nitong company na ito. May malaking share naman ang pamilya ni Cindy dito at kami ni Mark ay parehong empleyado lang. Ako ang secretary ni Luke samantalang si Mark naman ang secretarya ni Cindy.
Nakakatawa di ba? Well, ganon ang buhay.
Nawala ang lahat ng pananabik ko nang nakita ko lobby ang dalawang taong masayang nag-uusap.
May kislap sa mga mata ni Luke at wagas kung maka-ngiti sa harap ni Cindy. Ngiti at kislap na ne minsan hindi ko man lang naranasan sa kanya.
Pang-kama nga lang diba?
Sandali lang akong nahinto at sandaling tinitigan ang dalawang masayang nag-uusapp. Masokista ba? Sinubukan ko kasing manhidin ang sarili ko sa araw-araw na nakikita ko pero hindi pa rin ako nasasanay.
Hanggang sa napunta sa akin ang atensyon ni Cindy.
"Hi Shine"naka-ngiting tawag nya sa akin, walang halong kahit anong kaplastikan kaya muli akong inataki ng guilt.
Paano ko nga ba nasisikmura ang makiharap, makisama at makipag-kaibigan sa isang tulad ni Cindy na wala namang ginawanf masama sa akin pero pinagtataksilan namin?
Ginantihan ko sya ng ngiti pero pag tingin ko kay Luke tanging blangkong tingin lang ang binigay nya sa akin.
Huminga ako ng malalim para kahit paano mawala ang kirot na nararamdaman ko.
Ano pa nga ba ang bago? Ganito sya kalamig sa akin pag nasa labas kami ng kwarto. Sa kwartong yon nya lang naman ako nakikita, sa kwartong yon lang naman maiinit na tagpo ang nangyayari.
Halik sa pisnge ko ang nagpagising sa aking lumilipad na isip.
Si Mark ang boyfriend ko na kakarating lang. Muli ay inataki nanaman ako ng guilt. Isa pa ito, paano ko sya nagagawan ng kasalanan gayong wala naman syang ibang ginawa kundi mahalin ako?
"Pasensyakana Love, hindikitanasundongayon"hinging paumanhin nya. Ngayon lang kasi nangyari na hindi nya ako nasundo sa apartment ko.
Sabagay, okey lang yon kasi hindi naman ako doon natulog kundi sa isang condo ni Luke. Kung saan nangyayari ang hindi dapat nangyayari.
"Okey langnamanyon Love"lambing ko sa kanya.
"Halikakana, ihahatidnalangkitasapwestomo"aya nya sa akin sabay akbay.
Doon ko naisipan tumingin sa dalawang tao na nasa harapan ko. Nakita kong parang may dumaan sakit sa mata ni Cindy habang nakatingin sa amin ni Mark habang naggalit bagang naman si Luke habang nakatingin sa amin. Nang tingnan ko naman si Mark ay panandalian din syang natigilan ngunit nagkibit balikat lang sya at binaling ang tingin sa akin bago ako ginaya patungong elevator.
Nang madaan namin ang dalawa ay ngumiti at bumati kami. Sa kabila ng lahat sila pa rin ang amo namin. Karapat-dapat na igalang.
Kahit nasasaktan na.
"Gawinmolahat ng yan, kailangankomamayang ala una"pagalit na utos sa akin ni Luke.
Laglag ang panga kong tumingin sa sinasabi nya. Tang-inis naman, hindi ako duling kaya alam kong sobrang dami yon na kahit maghapon at magdamag akong nandito ay hindi ko matatapos.
Napangiti ako ng mapait,bakit? Ano ba kasing aasahan kong meron kami? Wala naman maliban sa aming Secret affair.
Sana Secret affair nalang ang sinabi nya kesa fuck buddies, masakit kasing pakinggan yon.
"Ano pang tina-tanga tanga modyan Shine. Gawinmonaanglahat ng inuutosko"pasigaw ng sabi nya.
Nagmamadali kong kinuha lahat ng papeles na sinasabi nya at lumabas.
Walang tigil ang pag daloy ng luha ko habang ginagawa ko ang lahat ng inuutos nya.
Nasasakta ako.
Masakit ang katotohanang pang kama lang ang isang kagaya ko.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng mga nababasag na bagay mula sa loob ng opisina nya. Dahil sa pag-aalala ay nagmamadali akong pumasok sa loob at nakita ko syang binabasag ang lahat ng nakikita nya.
"Luke,,,, sir tamanapoyan"awat ko sa kanya pero hindi nya ako pinakinggan patuloy lang sya sa pagbabasag.
Nataranta ako, hindi ko alam kung bakit sya ganito. Niyakap ko sya mula sa likod para patigilan sya. Hindi naman ako nabigo, tumigil naman sya pero ang nagpasakit sa akin ay ang pagkalas nya ng kamay kong nakayakap sa kanya ng bumukas ang pintuan at pumasok si Cindy.
"Anongnangyari?"tanong nya sa amin.
Hindi pa man ako nakasagot nang makita kong tinakbo nya ang pagitan nya at ni Luke.
Ano pa nga ba ang gagawin ko?
Di aalis na ako.
Nandito na si Cindy. Nandito na ang mahal nya at ang kailangan nya.
Kaya aalis na ako bago pa ako magkadurog-durog.
Madudurog pa ba ang pusong matagal ng durog?
Putang-ina naman kasi, bakit ba ang sakit magmahal?
A/N
Ito nga pala ang Cindy Tolentino at si Mark De Leon sa buhay nila Shine at luke...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.