5

2.5K 109 89
                                    

Shine POV.

Ikalawang araw namin sa Hawaii. Ikalawang araw na sobra ang takot na nadarama ko. Paano ba naman kasi, nasa iisang kwarto lang kami ni Luke.

Yes, nasa iisang kwarto, iisang kama.

Natatakot akong mahuli kami ni Cindy pero nang sabihin ko yon kay Luke ay nagalit sya. Sinabi pa nya na baka daw ako ang natatakot na mahuli kami ni Mark.

Tanga ba sya?

Oo ayaw kong mahuli kami ni Mark dahil alam kong masasaktan ko ulit si Mark, pero pag nangyari yon ay siguradong papayag na rin syang makipag-hiwalay sa akin.

Ang iniisip ko ay si Cindy. Ano nalang ang sasabihin nya kung mahuli nya kami ng fiancee nya na nasa iisang kwarto at worst nasa iisang kama pa?

"Dalian mo ng bumangon dyan, may meeting ako at kailangan kita doon"utos sa akin ni Luke,.

Gusto ko syang murahin sa inis ko.

HIndi nya ako pinatulog pag dating namin dito. Pagpasok pa lang namin ay agad na nya akong sinunggaban at nauwi yon sa mainit na tagpo hanggang kaninang umaga. Tapos ngayon papabangunin nya ako?

HIndi nya ba inisip na baka pagod ako? E sya hindi ba sya napagod?

Iika-ikang tumayo ako at inis na dumeritso sa banyo para linisan ang sarili.

Buti nalang talaga at nagpipills ako kundi magkakaron na ng bunga ang katangahang ginagawa namin.

"Okey, that's all for today"malanding sabi ng babaeng ka-meeting ni Luke.

Kita ko rin kung paano nya hinihimas-himas ang hita ni Luke na gustong-gusto naman ng isa.

"Okey, so paano mauuna na kami"paalam ni Luke.

Pero agad din pinigilan ng babae sabay angkla sa braso ni Luke.

"Masyado ka naman nagmamadali, lunch muna tayo"malanding dagdag nya pa sabay himas sa dibdib ni Luke.

The nerve.

Landi ang powta.

Tumingin sa akin si Luke pero hindi ko mabasa kung ano ang nais nyang ipahiwatig sa akin kaya inirapan ko nalang sya.

Pero laking gulat ko sa sunod nyang sinabi.

"Sure Babe, let's go"sabi nya sabay alis.

Hindi man lang sya nagpaalam sa akin.

Bwesit.

At sumama pa sya sa babaeng linta na yon? Hindi ba nya iniisip na nandito din si Cindy at pwede silang mahuling dalawa?

Ganoon ba talaga si Luke?

Ganoon ba talaga ang lalaking minahal ko?


"Okey ka lang ba talaga?"hindi ko alam kung ilang ulit na akong tinanong ni Mark ng ganon.

Matapos kasi akong iwanan ni Luke na parang tanga kanina sa restaurant ay dumiritso ako dito sa Bar, hindi ko naman alam na nandito rin pala si Mark.

"Okey lang ako Mark"

Huminga sya ng malalim.

"Hindi ba talaga kayo magkasama ni Luke sa iisang kwarto?"tanong nyang nagpatigil sa akin ng sandali.

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon