10

2.5K 109 55
                                    

Shine POV.

Pareho kaming nakahiga sa kama. Kakatapos lang namin sa Masarap na parusang tinutukoy nya.

Naka-ilang rounds pa kami bago nya ako tigilan.

Naka-unan ako sa braso nya samantalang nakayakap naman sya sa akin, pareho pa rin kaming hubad sa ilalim nitong kumot.

''Pwede bang ipaliwanag mo sa akin lahat Luke? At kaninong yati to?''kanina ko pa gustong malaman yon kaya lang hindi na ako nabigyan ng chance dahil sa kalandian ni Luke

"Sayo"sagot nya sabay halik sa ulo ko.

"Sa akin? Wala naman akong pera---

"Shine, asawa mo ako kaya lahat ng akin,iyo na rin"

Asawa!

"Isa pa yan, teka nga pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung paano kita naging asawa?"

"Naalala mo ba yong contrata na pinapermahan sayo ni Karen?"

''Oo''

Si Karen ay isa sa HR sa company namin. May kailangan daw permahan noon si Luke na importante at kailangan na kailangan na raw. Nang mga oras na iyon ay wala na si Luke, umalis dahil pinatawag ng mga magulang nya. Tinawagan ko sya pero ang sabi nya ako nalang daw ang bahalang pumerma.

Dahil sa sinabi nyang yon ay pinermahan ko agad.

"Ibig sabihin pinlano mo nyo ni Karen yon?"

"Yes. disperado na kasi ako. Natatakot ako na anomang oras pwede ka ng mawala sa akin. Hindi ko kakayanin yon, Mahal na mahal kita Shine"pag aamin nya.

"Kailan pa?"

"Anong kailan pa?"

"Kailan mo pa ako minahal?"

"Unang kita ko palang sayo"

Unang kita? Ibig sabihin?

"Nung first year? Ganon katagal?"

"Oo"

"Bakit di mo sinabi agad?"

"Ang sabi mo kasi mas importante sayo ang pag-aaraal kesa pakikipagnobyo. Kaya palihim nalang kitang minamahal. Noong naka graduate tayo plano ko ng umamin at manligaw pero yon din ang oras na pinakilala mo sa akin si Mark. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yon? Halos mamatay ako nang dahil doon. Ang sakit-sakit yong tipong hindi ako makahinga. Yong tipong ayaw kong umiyak pero kusang tumutulo ang luha ko"

A Secret AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon