Prologue

1.4K 78 19
                                    

"Anak ka ng manloloko anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako haa!" Gulat na sambit ko sa harap ng tarantadong ex ko. Ito walang duda manloloko to eh. Mukha pa lang oh. Nanlalaki ang mga matang hinampas ko siya ng sunod-sunod.

"The fuck! Kapal. I'm the one who should be asking that. What are you doing here? Are you following me?" Sambit niya habang sinasalag ang bawat hampas ko.

"Kung may makapal dito ikaw yon! Tatanggi ka pa? Paano ka nakapasok dito ha? Saan mo nakuha yang susi?" lumapit pa ako sakanya at hinagilap yung susing kaparehas ng nasa akin. Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit siya nandito. He can't live in the place like this. He's rich to the point that he doesn't belong here.

"The hell. It really hurts huh. I am living here that's why I have my key. Idiot!" doon na ako natigilan. Just what the heck? So my ex is my boardmate.

-

Paulit-ulit kong binabasa ngayon ang ilang guidelines tungkol sa kursong kukunin ko para sa nalalapit ng pasukan. Kaya lang paulit-ulit din pumapasok sa utak ko ang mga makakasalamuha kong bagong mga estudyante. I wonder now if my man I'll marry for the future are going to study in the school I enrolled this school year. Don kaya kami magkakakilala? Don kaya kami magsisimula? o ibang lalaki ba muna bago siya? Panibagong sakit?

Masakit masaktan pero wala ng sasakit pa kapag dumating kana sa puntong pamilya mo o mahal mo? Hindi mo kayang mamili kaya't pinagsabay mo. Tutol ang magulang mo pero ipinagpatuloy mo pa rin lumaban ka pa rin pero ang hindi mo alam na ang ipinaglalaban mo nahihirapan na, may iba na pala at higit sa lahat sumuko na pala. Tulala man ay narinig ko pa rin na tinawag ako ng aking mga magulang.

"Bakit ma?" May pagtataka sa aking mukha dahil sa nakakunot na noo ni papa

"Mag-ayos ka na ng gamit mo tutuloy ka muna sa boarding house ng tita mo pansamantala malapit iyon sa paaralan na papasukan mo para sa pagkokolehiyo mo" nagulat ako sa sinambit ng aking ina dahil ng huli kong ipaalam ang desisyon kong ito ay tumutol ang aking ama. Alam niya ang aking kalokohan noon at natatakot siyang hindi ko matapos ang aking pag-aaral dahil lamang sa tanga kong puso. Pansamantala akong natigilan at sinulyapan ang aking ama.

"Palagi kaming tatawag sa iyong tita roon para tanungin ang kalagayan mo lalo na ng pag-aaral mo" tanging sambit ng aking ama at pagkatapos ay umalis hatalang tutol pa rin siya sa desisyong ito ng aking ina.

Agad akong pumanhik sa kwarto ko at nag-ayos ng damit. Hindi naman ganuon kalayo ang amin sa aking paaralang papasukan sadyang mahirap at nakakapagod lamang bumiyahe araw-araw lalo na kung halos gabihin pa ako sa daan pauwi kaya hiniling ko na ikuha nila ako ng boarding house malapit sa aking papasukan.

Nang maayos ko na ang aking mga gamit na dadalhin. Nahiga muli ako sa aking kama. Ikatlong linggo ng buwan ng hulyo at sa sunod na linggo ay pasukan na.

Lumipas ang ilang araw at kailangan ko ng umalis sa aming bahay para madala na ang aking mga gamit sa boarding house ni tita. Sa pagkakaalam ko ay likod lamang ng school ang paupahan ni tita kaya naman walking distance lamang ang layo nito. Inihatid ako nila mama at papa habang kabi-kabila ang kanilang mga bilin na animo'y mangingibang bansa ang kanilang anak.

"Papadalhan ka nalang namin ng gagastusin mo sa pangaraw-araw mo dito" sambit ni mama ng makarating kami sa boarding house. Dalawa ang kwarto at dalawang double deck na kama sa isang kwarto. Maya maya lang ay nagpaalam na sila mama at papa

My Ex is My BoardmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon