Chapter 9

283 32 6
                                    

M A B A G A L na ang U P D A T E ! MagVOTE ka baka ganahan ako. MagCOMMENT ka para malaman ko saloobin at iniisip mo. Basta related sa story!

DOWNLOAD THE IMAGE FOR IMAGINARY PURPOSE!!!

LYNSIE JADE POV

"Xeii san ba kasi tayo pupunta?" Kanina niya pa kasi ako hinihila halos kaladkarin na nga niya ako palabas ng bahay kanina.

"Basta" ayun nanaman siya kapag tinatanong ko siya kung saan kami pupunta yun palagi ang sinasabi niya. Wala kaming pasok ng tatlong araw dahil may aasikasuhin daw ang mga teachers ngayon. Si Jearence naman ay nasa boarding house lamang. Tinatanong ko nga kung uuwi siya sa kanila pero hindi naman siya sumasagot kaya nag-impake nalang ako para sa 3 days trip namin ni Xeii hindi nga sana ako sasama pero sabi niya sagot niya raw lahat ng gastos. Syempre sino bang tatanggi sa grasya? Sino ba naman ako para tumanggi. I love free. SO MUCH! HAHAHA!.

"Okay, sakay na!" Nilagay ko sa likod yung bag ko pagkatapos ay tumabi na kay Xeii sa Passenger seat. Astig! Sana may kotse rin ako. Panigurado gala dito, gala doon ang lola niyo. Nagsimula ng magdrive si Xeii.

"Xeii san ba kasi tayo pupunta?" Nakatingin lang siya sa daan at hindi makalingon sa akin para tignan man lang ako.

"Sa probinsya ng lola ko"

"Saan nga yun eh? Malay ko ba kung san probinsya ng lola mo. Hello!" Asar ko ng sambit. Tumawa naman siya kaya tinignan ko siya ng masama kahit hindi siya nakatingin sa akin.

"Quezon Province"

"Q-quezon?" Kingina. Anong gagawin namin don? Aakyat ng bundok? Maghuhukay at magtatanim ng kamote? Shet!

"Hahahaha.. Stop thinking nonsense LJ gagala lang tayo" saan Xeii? Sabihin mo? Sa gubat ba? Sa bundok?

Nakatulog na ako at maghahapon na ng magising grabi nakakapagod bumyahe.

"Nandito na tayo" sambit ni Xeii kaya naman bumaba na ako ng kotse niya at kinuha ang mga bag at gamit ko sa likod ng kotse. Napatingin ako sa kahoy na nakasabit sa entrance ng daan. Walang mataas na gate or what. Isa lang itong maliit na kalsadang papasok na may nakabungad na Lukong Valley Farm. Sinasabi ko na nga ba at Farm lang talaga ang magagalaan namin dito. Naglakad na kami papasok ng Farm naputol na ang kalsada at lubak lubak na daan na ang pumalit saglit lang naman iyon pagkatapos ay mabuhangin na daan na kung saan may mga tanim sa tabihan at may lightpost din na nagbibigay liwanag sa daan. Magdidilim na rin.

"Omygeee LJ lulubog na ang araw bilis!" Problema ng isang to? Bakit minamadali ako? Tumakbo siya ng tumakbo kung saan isang napakahabang daan na tama lang ang taas ng damo pagkatapos sa dulo ay may malalaking hakbang ng sementadong hagdan. Kingina. Napagod na sa byahe aakyat pa ng hagdan. Hindi ko naman magawang magreklamo kay Xeii dahil libre niya lang ang trip naming ito. Papaakyat sa burol ang hagdan na ito. Nang makarating kami sa taas sumalubong sa akin ang iba't ibang kubo na mukhang resthouse, mga halaman at bulaklak na nakatanim din sa taas ng burol na iyon. Tumakbo siya sa loob ng isang sementong may butas ng pabilog kung saan kapag sumilip ka sa bilog na yon tanaw ang lahat ng nasa ibaba ng burol. Natigilan ako at ngayon lang narealize kung ano pa ang kaninang tinatakbo namin ni Xeii.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
My Ex is My BoardmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon