Chapter 19

129 25 1
                                    

"M-master"

"Go home kid I have no time for your shiit!"

"But you know me right?" Tinanong niya lang kung sino ako dahil hindi niya ako nakikita pero ng nag-umpisa na akong magsalita ay nakilala niya na agad ako sa boses at nasabing hindi natutulungan. Kung ganoon ay may alam ito tungkol sa akin.

"Ayokong mangialam bumalik ka nalang kapag naalaman mo na ang lahat!" Nag-umpisa na itong maglakad palayo. No! Hindi! Hindi ako sumuot mag-isa sa gubatan para lang sa wala.

"Alam ko ang iniisip mo binibini. Hindi man kita nakikita ay nararamdaman ko pa rin ang iyong presensiya. Umuwi kana"

"Kahit konting kaalaman lang nakikiusap ako" halos pabulong ko ng sambit. Napabuntong hininga ang matandang nasa harapan ko.

"Kung ganon sumunod ka" nag-umpisa na itong mangapa sa daan habang hawak ang isang sanga ng kahoy

Ilang minuto lamang na paglalakad ay nakarating kami sa tapat ng isang dampa. Pumasok ito kaya't sumunod ako naroon sa loob ang itim na pusang nakasalubong ko kanina kung ganon ay hindi ito isang ligaw na pusa. Nakahiga lamang ito sa may parteng kusina ng bahay. Hindi siya kaaya-ayang tirahan kapag lumingon ka sa kaliwa ay makikita na agad ang kwarto at ang nagsisilbing kama nito samantalang pagpasok ng pinto iyong kusina at iba't ibang kagamitan pagluluto agad ang bubungad saiyo.

"Sabihin mo ano ang iyong kailangan?"

"Ikaw" natahimik ito ganun din ako napabuntong hininga ako bago nagpatuloy "nakikita kita sa panaginip ko gayong hindi naman kita kilala. Ano itong wala sa sariling pagbigkas at pagtawag ko sayo ng master? Naguguluhan ako"

"Kaya nga't sinabi ko sayo bumalik ka na lamang kapag naalaman mo na ang lahat"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Pumunta ka sa lugar na sasabihin ko saiyo at hanapin mo si Dra. Reyes"

"Anong? Bakit? Doktor? Anong gagawin ko sa doktor?"

"Hindi ba't gusto mong magkaroon kamo kahit konting kaalaman?" Tumango ako bilang tugon. May isinulat siya sa isang piraso ng papel bago iniabot sa akin. Tinignan ko iyon address ng isang hospital at pangalan ng doktor. Nag-alangan pa akong kunin iyon sa takot na may malamang hindi maganda pero dahil gusto ko ngang malaman kung ano talagang nangyayari kinuha ko rin yon bago magpasyang umalis.

Ilang araw na ang lumipas nanatili akong tahimik at walang pinagsasabihan ultimong panaginip ko hindi ko sinasabi kay Jearence o Xei. Iba kasi ang pakiramdam ko parang déjàvu yung parang nangyari na pero hindi mo maalala kung kailan. Itinago ko ang papel na ibinigay sa akin ng matanda at nagpasyang tapusin muna ang school requirements bago puntahan ang hospital na yon.

"Babe you okay?" Nabalik ako sa ulirat ng sumulpot sa harap ko si Jearence. Nasa kwarto kasi ako ngayon at tinatapos ang isang requirement para mapirmahan na yung clearance ko. Finally makakapahinga na rin after these iyon ay kung pahinga nga ba ang mangyayari.

"Hii"

"Have you eat?" Napatingin ako sa wall clock at napansin na tapos na pala ang oras ng tanghalian. Dahan-dahan akong umiling bago ibinalik ang tingin sa ginagawa.

"I'm busy"

"Ts." Hinigit niya ako sa wrist at tumigil sa harap ng lamesa kung san kami kumakain. He let go my wrist and scratch his head.

"Wait me here" naupo ako sa isa sa mga upuan doon at hinintay siyang makabalik na may dalang ilang plastic ng pagkain. Habang naghahain don ko lang tuluyan napansin si Jearence. He's wearing black statement shirt, 'Jesus I want her' was written in a white cursive font as usual. Jearence and his shirt. His shirt partner by a black khaki short with his thin metal necklace hang on his neck. Dog tag I guess. He's giving me a look while placing the plate in the front of me.

My Ex is My BoardmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon