Chapter 32

95 6 2
                                    

"But that's true, anyway, I have a gift for you"

"Po? Ano po yun? Saka para san naman Kuya? eh, hindi ko naman Birthday, si Dad kaya yung may Birthday ngayon"

"I know but this gift will prove you that you are real Montemayor" nilabas nito ang isang black rectangle box na may nakaukit na letter M sa takip ng box. Tinanggal niya iyon at lumitaw ang isang silver at kumikinang na kwintas.

"Wow! Ang ganda naman nito Kuya" matapos makita ang isang Pearl Necklace na may vines na nakapalibot at maliit na letter 'M' na nakaukit sa gitna ng perlas. Iyong vines ay nakapalibot sa perlas at tanging Letter M lang ang nakikita gumagapang ang vines patungo sa  chain ng kwintas.

"Pearl symbolises purity and known as a stone of sincerity. Montemayor has always been sincere to his or her love once. It brings truth to situations and loyalty to a cause" namamangha kong tinignan ang kwintas mula sa pinagkakalagyan nito.

"Talikod ka" pagkasabi niya non tumalikod kaagad ako at pinagmasdan ang pendant ng necklace habang kinakabit niya ito sa akin.

"Salamat Kuya" yinakap ko si Kuya at ganun din siya sa akin.

"Sir kailangan na po namin ayusan si Lady Jade"

"Sige na labas muna ako" paalam ni Kuya Daryl. Kaya naman tumango ako at ngumiti dito.

"Ang ganda niyo po Lady Jade"

"Ts. Jade nalang magka-edad lang naman tayo" sambit ko sa kasambahay ni Kuya Daryl. Nasa bahay kasi ako ni Kuya at sinabing siya ang maghahatid sa akin patungo sa party kung saan ipapakilala ako bilang Montemayor. Excited akong naupo sa harap ng salamin nang tumunog muli ang cellphone ko.

"Ate Jea"

"Hi Jade, I didn't know I have a friend who will become a heiress of Montemayor" I laughed through the phone.

"I didn't know it too" I answered.

"Anyway, can you come over here I want to have a bond with you mahirap na baka makalimutan mo na ako kapag yumaman ka na, I also invited my two friends"

"Grabi ka Ate Jea hindi naman po ako ganun" she laughed.

"So, should I expect you here today before your party starts?"

"Sure" sambit ko bago pinatay ang tawag siguro don nalang ako magpapaayos at magpapasundo kay Kuya Daryl.

"Lady Jade ready na po?"

"Ah pwede ba'ng sa house nalang nila Ate Jea niyo ako ayusan? Saka mas malapit naman yon sa venue ng birthday party ni Dad" tumingin ako sa relo na nakasabit sa pader sa loob ng kwarto ko at napansin naman na maaga pa. May tatlong oras pa ako before magstart ang party. Nagbihis ako ng isang simple dress kaya lang hindi ako kumportable dahil hindi naman ako sanay magsuot ng ganito kagandang damit parang hindi bagay sa akin. Bumalik ako sa walk-in closet at naghanap ng pantalon at isang simpleng shirt. Nakita ko yung Batman shirt ko na kulay itim at may  sign ng ibon na batman sa didib kulay dilaw iyon kaya tinernuhan ko ng itim din na pantalon.

Siguro itetext ko nalang si Kuya mamaya para ipaalam na kina Ate Jea nalang ako sunduin. Ts. Sigurado matutuwa yon na pupunta siya kina Ate Jea.

"Lady Jade saan po kayo pupunta bakit hindi pa po kayo inaayusan?"

"Shh.. maaga pa naman eh saka sinabihan ako ni Ate Jea na pumunta sakanila" nakita kong nag-panic kaagad yung coordinator na inutusan ni Kuya para mag-asikaso sa akin.

My Ex is My BoardmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon