Chapter 16

169 20 1
                                    

"Truth or dare?"

Tamad akong sumagot at umirap dito

"Truth"

"Kailan mo ako sasagutin?"

Ang pagkainis ay napalitan saglit ng mainit na pakiramdam may kung ano sa tiyan ko na paikot-ikot at nag-iinit ang magkabila kong pisngi.

"N-nagmamadali ka ba? H-hindi mo na ba kayang maghintay?"  Ang nangungusap na mga mata kanina ay napalitan ng panghihinayang at pagpupumilit na ngumiti muli.

"Okay lang kung hindi ka pa ready I'm just aking when" malungkot na tono nito bago nag-umpisang maglakad palayo. Halah... Jade bakit mo naman ginanon? Napatingin ako sa paligid at saka ito hinabol sa paglalakad.

"Can I ask you again?" Natigilan ako at bumagal ang paglalakad ko. Alangan akong tumango rito.

"Truth or dare?" Pag-uumpisa muli nito. Nataranta ako at hindi ko alam ang gagawin baka tanungin niya nanaman ako tungkol sa panliligaw niya.

"D-dare"

"Kiss me" sinamaan ko siya ng tingin pero ngumuso lang ito. "Gusto ko yung kagaya ng ginawa mo sa bar non" nakanguso ulit ito pagkatapos magsalita.

"A-ayoko nasa public tayo" tumingin ako sa kaliwa at lumapit pa lalo siya nanatiling nakanguso kaya naman pumaling naman ako sa kanan pero ganun ulit ang ginawa niya paulit-ulit kaming dalawang ganun hanggang sa hindi ko sinasadyang mahalikan siya sa labi pagharap ko sa kanan. Shiit!

"Sarap" usal nito ng matauhan at saka hinawakan ako sa kamay at holding hands kaming dalawang naglakad nagpatianod lang ako sa paghigit niya sa akin.

Maghapon kami sa mall ni Jearence at maghapon din niyang napakatamis sa akin. Hindi ko alam para kaming mga high school kung mag-asaran at maglambingan wala pa naman label makapagharutan akala mo pangforever na. charr!

Pagdating namin sa bahay kaagad ako nagpalit ng damit at saka naupo sa kama maglalaro daw kasi kami ng baraha. I don't know anything when it comes to card except kaya ang sinuggest kong laruin namin ay yung unggoy-ungguyan yung kung sino ba yung huling maubusan ng baraha ang siyang talo kaya naman ayun na lamang ang nilaro namin. Gusto niya pa nga akong turuan ng tong-its, pusoy dos at kung ano-ano pa na hindi ko na matandaan kung anong tawag.

"Oh unggoy ka!" Bulyaw ko "huwag ka madaya" gaya ng nakasanayan may consequences ang matatalo iyon nga lang hindi ko siya mapahirapan dahil sa hindi pa nauubos yung pangtruth or dare niya sa akin kanina baka don gumanti eh. Just playing safe.

"Ayoko na nito hindi ako manalo-nalo may daya ata to?" Nilapag niya yung huli niyang baraha.

"Dapat pala bumili tayong board games kanina nu?"

"Oo nga chess marunong ka non diba!"

"Huh? Pano mo nalaman? Hindi pa naman ako naglalaro sa school?" Wala kasi akong maalalang nakita niya na akong maglaro ng chess.

"Ahh a-ano sa cellphone mo dati nakakita ako n-ng chess na a-app" tumango tango ako sa sagot nito kaya lang in-uninstall ko na yun eh. Madaya kasi yung computer.

Nahiga ako sa kama nakakapagod pala gumala maghapon. Hayst. Sana nakakasama ko yung dalawa kong kapatid panigurado matutuwa yon sa mga makikita nila sa mall kanina. Natigilan ako ng mapansin na nakatitig na pala sa akin si Jearence.

"I wish we can back to the days we used to be" sambit nito habang nakahiga ang ulo niya sa braso niya nakatagilid ito at sa akin nakaharap. Nakablack shirt and boxer na siyang nagpalitaw pa lalo ng pagiging makinis at maputi niya.

My Ex is My BoardmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon