Chapter 17

171 22 1
                                    

Nang matapos ang pag-aayos namin sakto naman na hindi makakapasok ang prof. Namin ng first period tatlong oras rin iyon kaya napagpasyahan na namin ni Xei na sa coffee shop na pupuntahan nalang namin kami tumambay hanggang tanghali. Hindi na rin muna ako nagsuot ng uniform. Mabuti nalang at may dalang sariling kotse si Xei kung kaya't napadali ang aming pagpunta sa coffee shop na gustong puntahan ni Xei.

"Ano bang meron sa coffee shop na yon? Nagpapakalayo pa tayo ang dami naman malapit na shop dito" pagrereklamo ko habang nagmamaneho si Xei. Good thing is hindi kami mahuhuli ng mga pulis dahil sa 2 years older than me si Xei meaning may lisensya na siya.

"Basta just seat back and wait" nakasmirk pa nitong sambit. Tumagal ng trenta minuto bago kami tuluyang nakarating sa coffee shop na tinutukoy ni Xei pumasok kaagad kami at sa pintuan pa lang masasabi kong 'mabuti nalang pala't hindi nakasama sila Jearence' puro's lalaki kasi ang customer ngayon at shiit! Aminin ko man o hindi talagang hmm.. Mukhang alam ko na kung bakit dito gusto magkape ng isang to.

Nakakahiya lang kasi mukhang puro professional ang nandito habang kami ni Xeo halatang estudyante pa lang. Ako na nakafloral fitted dress at si Xei naka-uniform pa. Napansin ko pa ang napaiksing palda ata ni Xei ngayon. Kinapos ba sa tela ang isang ito? Bakit hindi ko to napansin nung nagmamaneho siya kanina? Hayst. Kung kasama namin ngayon ang grupo nila Sanchez malamang una nang magyayakag paalis si Jearence.

Naglakad kami papasok ni Xei ng may lumapit ma waiter.

"Table for two po mam?"

"Ah yeah"

"This way po mam" iginaya kami nung waiter na sumalubong sa amin sa isang pwesto kung saan glass yng nagsisilbing pader kaya't nakikita namin yung mga tao sa labas. Nakaharap ang pwesto ko isang table ng dalawang babaeng nakatalikod sa gawi namin ang isa mukha ngang pamilyar yung isang nakaharap sa amin eh. Habang ang nasa tagiliran naman namin ay isang lalaking busy sa kanyang laptop mayroon ng ilang tasa na nakapatong sa table nito. Maputi yung lalaki nakasuot ito ng button down polo na kulay maroon at tinupi hanggang siko na pinaresan ng black fitted pants at brown leather shoes. So manly!

"Oh huyy umorder kana huwag mo titigan yan may Jearence kana" umirap ako sa sinabi ni Xei. Inilibot ko pa ang mata ko bago kinuha ang menu ang ending isang chocolate short cake at isang orange juice lang ang inorder ko I don't drink coffee it makes me nervous so much kapag nagrereport ako o nagkakaroon ng oral orientation kaya itinigil ko na ang pagkakape. Samantalang si Xei naman ay andaming inorder.

"what? Ilang oras tayo rito. Don't stare with me! Nagugutom din ako"

"Whatever you say Cordovez!" Tumawa lang ito at inilibot ang paningin sa shop habang naghihintay ng order.

"Look at that man" napatingin ako sa lalaking nasa dulo na inginuso ni Xei.

"He looks pathetic right?" Tumango ako sa sinabi nito mukha kasing problemado iyong lalaki "pero huwag kang papaloko dyan. He just thinking his girls kung sino ang uunahin niya" nanliit ang mga mata ko kay Xei bago ibinalik ang tingin sa lalaki. Maya-maya lang ay may dumating na dalawang babae mukhang nag-uunahang makarating don sa pwesto nung lalaki. Tahimik lang kaming nanunuod ni Xei mula sa pwesto namin habang nag-uusap yung tatlo sa iisang table ng biglang tumayo yung isang babae at sinampal yung lalaki bago inilagay ang kamay sa mukha at umalis ng umiiyak.

"See? Sabi sayo eh"

"Bakit mo alam?" Napatingin na ako kay Xei bago siya pinanliitan ng mata "don't tell me naging isa ka ba sa babae ng lalaking yan?" Napatawa ito sa tanong ko.

"Ano? Hindi ha?" Pagtanggi nito pero wala sa mukha ni Xei na may pagkabitter siya sa nangyari sa pagitan ng tatlo kaya nasisiguro ko naman na hindi siya nagsisinungaling at hindi nga siya isa sa mga naging babae nito. Nanatiling nag-uusap yung babae at lalaki bago nila napagpasyahang tumayo umakbay yung lalaki sa babae at kumindat pa sa akin ng mapadaan sa table namin habang naglalakad palabas.

My Ex is My BoardmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon