Chapter 12

209 22 1
                                    

'Still alive huh? Anyway welcome back to hell'

Yon ang nakasulat. Ang weird ha. Still Alive pang nalalaman? Really? Pakana pa ba to ng creator ng horror house? Kasi kung still alive ang nakasulat? Anong palagay nila sa entrance nila pamatay?! Naglakad na ako palabas ng horror house na iyon at nakitang naghihintay na yung dalawa sa labas.

"Oh ano kamusta sa loob? Critical ba?"

"Ts."

"Anong nangyari sa iyo at nawala ka?" Usisa pa nito.

"May mga estudyante kasing nagtulakan sa loob. Masyado ka kasing busy sa mga kalansay mo kaya hindi mo na ako napansin"

"K-kalansay Huh! Anong tingin mo sa akin Bangkay?" Nangunot ang noo ko. Anong sinasabi nito? Nailing nalang ako at tumingin sakanilang dalawa.

"Oh saan ang sunod?"

"Wala naman na dito sa loob. Duon naman tayo sa labas wala na masyadong rides dito na may thrill eh"

"Okay"

Naglibot-libot kami sa loob bago tuluyang lumabas may nadaanan pa kaming souvenir shop kaya lumapit kami at namili. Bumili ako para may ma-ipasalubong kina mama. Mabuti nalang pala at may nadala akong sling bag may malalagyan ako kahit papano.

"Gusto ko don sa bump car!" Bulyaw ni Xeiann kanina

"Ang dami mong gusto. Akala ko ba sa labas na tayo?"

"Onga parang ang saya don eh. Look oh ang daming nanunuod" itinuro niya pa ang mga taong nasa palibot nung rides may mga bakal kasi na nagsisilbing harang para walang makapasok habang on going ang mga rides.

"Hindi yan nanunuod. Nakapila rin yan. Ts!"

"Sayang! Don na nga lang tayo sa labas" panghihinayang nito at padabog na naglakad.

Isip-bata

"San mo unang gusto Jearence?"

"Ha? Why are you asking me? Why don't you ask her?" Nakaturo pang sambit nito sa akin.

"Ugh! Whatever! Don na nga lang tayo mukhang masaya oohh.. Ang daming sumisigaw" turo nito sa isang rides na napaataas. Napalunok ako. Sobrang taas kasi noon at para kang inaalog habang nasa taas. Kung kanina ay halos maiwan ang kaluluwa mo sa taas ito naman ay parang ihuhulog ka habang nasa taas. Tumatagi-tagilid pa iyon na siyang nagpapalakas ng sigawan ng mga nakasakay. Apat ang magkakatabi na seats. Tatlo kami at wala naman nag-iisang malakas ang loob na sumakay puros may mga kasama kaya ang ending ay kaming tatlo lang ang magkakatabi. Nasa gitna namin ni Xeiann si Jearence may seatbelt naman para safe.

"Get ready Xeiann.. Surf dance were gonna rock your world" sambit pa ni Xeiann sa sarili bago nag-umpisa ang rides sa pag-akyat nakataas pa nga ang isang kamay nito at nakaform na parang rakista.. Nakaramdam agad ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko nung nasa baba ay maayos pa pero nung nasa taas na at halos tumagilid na...

'Naknamputchaaaaaaaa ibaba niyo ko'

----__________-------

My Ex is My BoardmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon