Chapter 51

712 18 1
                                    

Lex's PoV

"We are at the finals of the Athletic Meet. This is a Girls Basketball match. Decas University Versus! Ashton University!!!"

Naghiyawan ang mga manunuod pagkatapos nun.

"Ashton! Ashton! Ashton! Ashton! Ashton! Ashton! Ashton!"

"Decas! Decas! Decas! Decas! Decas! Decas! Decas! Decas!"

Hindi ko pinansin ang ingay sa paligid at umupo sa bench. "Team!!! This is our last  chance!! Ngayong nasa finals na tayo, hindi tayo maaaring magpatalo!!"

That's the true captain. Always thinks positively.

Sa larong ito, kasali ako sa first five. Mas maganda na siguro na maglaro ako ng maaga bago magpa substitute. Nakaramdam ako ng may humawak sa balikat ko. I turned around and saw captain Madell. "All you have to do is give me your unexplainable gesture." Napangisi ako sa sinabi nya. Sya lang kasi ang nakakabasa ng mga secret message ko gamit ang gesture. Don't ask me why, but I must tell she's really good to work with. Hindi sya katulad ng dati kong nakapartner. Si captain kasi kahit pagtaas ko lang ng kilay alam nya na agad ang gusto kong gawin kaya nasasabayan nya ako.

Inalis ko ang suot kong jacket at pants. Inayos ko rin and wristbands at medyas ko.
Hindi naman sa kinakabahan ko pero sanay na ako dahil matagal na akong naglalaro. Ang kaso lang ang buong team, hindi maiaalis na kabahan sila dahil ito ang kauna unahang maglalaro sila sa finals.


Tumayo ako sa aking pagkakaupo at hinigpitan ang ponytail na puyod ko. "Wag kayong kabahan. Imagine that we're still at our gymanasium and we where practicing. We will be fine." Tumango sila sa akin at pumasok na kami sa loob ng court. Pumunta si Captain sa gitna para mag jump ball. Nagkatinginan kami ni captain bago pumito ang referee.


PRRRT!!!

Tumalon silang dalawa sa ere. Unfortunately, the enemies captain tap the ball first. Pero dahil trip kong hindi magsayang ng oras ay tumalon ako para ako ang makasalo ng bola. Nagulat naman ang kalabang player na nasa likod ko na sya dapat ang makakasalo ng bola. Pasensya na, masyado kasi syang mabagal. Nag dribble ako papuntang kabilang side ng court at pinasa ang bola sa player na hindi ko naman makasundo. Ang kulit kasi at tsaka ang yabang eh. Nakakainis minsan. Nasalo nya naman ito at inihulog ang bola. Nagsigawan ang mga manunuod. That's a good start of a game. Buti naman at nakapuntos agad kami. Tumakbo muli kami sa side ng court namin at pinigilan ang matangkad na player ng Ashton. Geez! She's too tall! Hanggang balikat ako!

Sabi nga nila, napaka useful daw kapag maliit ka. Nilagyan ko ng pwersa ang paa ko at kamay ko. Nang malapit na sya sakin ay medyo nagbend ako para mas lalong bumaba ako at tumakbo papunta sa direksyon nya at na steal ang bola. I quickly pass it to captain and she easily caught and shoot it.

He's In love With A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon